RATED R
ni Rommel Gonzales
MULA sa telebisyon, mapapanood na ang inaabangang Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho na Gabi ng Lagim sa mga sinehan. Pangungunahan ito ng award-winning journalist na si Jessica Soho na siyang maglalahad ng mga nakatataas-balahibong kuwentong mapapanood na bilang pelikula.
Kabilang sa main cast sina Sparkle artists Jillian Ward, Sanya Lopez, at Miguel Tanfelix na magbibigay-buhay sa mga kuwentong tampok sa KMJS Gabi ng Lagim The Movie. Kasama rin ang aktor na si Elijah Canlas sa mga aabangan sa movie.
Isa ang Gabi ng Lagim Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa mga inaabangan ng viewers tuwing sasapit ang Undas. Wala pa ngang 24 oras ay pumalo na agad ang teaser trailer nito ng 3 million views across all platforms.
Base sa totoong buhay ang mga kuwentong itinatampok dito. Noong 2024, nag-announce ang KMJSng call for submission para sa mga totoong kwentong katatakutan mula sa publiko para sa pagkakataong maitampok sa pelikula.
Tiyak na aabangan ito!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com