HARD TALK
ni Pilar Mateo
MAY alingasngas. Dahil din naman sa mga cryptic messages niya on her social media accounts.
May hinaing ang komedyanteng si KitKat. Tungkol sa mag-isa niyang pagdadala sa pag-aaruga ng kanilang anak ng mister niya.
Sa una, iisipin mo na baka naman hinaing lang ng isang ina at asawang napapagod. Dahil hindi nga biro ang maging isang ina lalo na kung walang nakatutuwang kahit mayroon naman.
Eh, parang ganoon nga ang naging dating niyon sa aming malalapit sa kanya. Pero nobody dared ask. Nahihiya siguro. Pero ako, tanong lang na simple. Kung may problema ba.
Mas gusto muna raw niya na tumahimik. Pero sige siya ng kiwal sa Facebook kaya alam mong mayroon. Respeto lang. Darating din naman ang point na may kwentuhang magaganap sa kalaunan.
Eto na nga. Amy post na positibo ang nilalaman. Magbi-birthday na kasi sa Agosto ang kanilang si Uno.
Nangumusta uli ang Kumare. May problema ba? Nagtatanong na kasi ako kung ano ang rason kung may problema.
Sagot ang ina.
“Ok na kmi mami, I mean working it out, may three weeks na rin siyang nagbabago, not easy kasi nawala tiwala pero wino-work-out po. Birthday na ni Uno sa Aug 2.”
Kaya sabi ko, ganito na lang. Without saying sa detalye, hingan ko na lang siya ng advice para sa mga nasa loob ng relasyon. Especially for married couples.
“Alam mo, sa buhay mag-asawa, hindi talaga araw-araw masaya. Hindi lahat ng ‘I do’ natatapos sa happily ever after. There will always be trials—minsan mabigat, minsan paulit-ulit, minsan nakakapagod.
“Seventeen years is no joke. Mahaba-haba na rin ‘yung pinagsamahan namin. And especially now that we have a child, mas lalo akong naging conscious na bawat desisyon ko, hindi na lang para sa sarili ko kundi para sa future ng anak namin.
“Pero kahit gaano kahaba o ka-perfect sa paningin ng iba, darating at darating ang pagsubok. At natutunan ko, hindi palaging kailangang perfect ang lahat. Ang importante, may respeto, may communication, at higit sa lahat, may willingness to fight for the relationship—not fight in the relationship.
“Maraming beses tayong mapapagod, masasaktan, mawawalan ng gana, pero lagi kong ipinaaalala sa sarili ko: Sino ba ang ipinaglaban ko noon? Sino ang pinili ko? At sino ang dapat piliin ko ngayon?
“Kaya para sa mga katulad kong dumaraan o dumaan sa mga pagsubok sa married life, huwag kalimutan na importante ka rin. Your feelings matter. Hindi selfish ang magpahinga, mag-recharge, at alagaan ang sarili—dahil hindi mo rin maibibigay ang buong ikaw kung ubos ka na.
“At kung pipiliin mo pa ring lumaban, sana hindi lang ikaw ang may dalang armas. Dapat dalawa kayo. Kasi hindi mo kayang buhatin mag-isa ang isang bagay na para sa dalawang tao.
“Seventeen years, a child, countless memories—but still, love is not always sweet. But real love? It’s always worth the effort.”
How heart-tugging. Ramdam, eh. Dumaan. Dinaraanan. Dinaanan.
For as long as love and respect is present, hindi mo nga hahayaang matibag ng ganoon lang ang isang pagsasama.
Lalo pa at may napakagandang bunga na umaasa sa isang magandang pamilya.
‘Di na kailangan ang detalye. Ang pgkakasundo at muling pagbuo. ‘Yun ang diskarte. ‘Yun ang importante.
Hindi tsismisan. Usapang may katinuan.
Salamat sa tiwala, KitKat!