Friday , June 5 2026
Patricia Javier Eren Noche Alexia Nuñez

Patricia Javier naiyak sa tagumpay ng Noble Queens, pagkanta pagtutuunan  

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TATLONG mahalagang kaganapan sa isang araw.

Ang send-off party ng Noble Queens Philippines na binuo ni Eren Noche na naging katuwang ang unang pinutungan ng korona at ginawaran ng titulo dahil sa kanyang mga adbokasiya, si Patricia Javier.

Dumaan na ang mga taon at ilang mga kababaihan na ang nagawaran ng titulo.

Sa pagkakataong ito, ang huling naging Noble Queen na si Alexia Nuñez na isang Brazilian at may dugong Filipina ang napisil ng IMG All Stars kasama ang apat pang beauty queens para lumahok sa patimpalak na gaganapin sa Thailand.

Kaya hindi mapigilan ni Patricia ang maiyak at maging emosyonal sa nasabing send-off. Dahil ang kanilang pinagpupursigihan para sa kapakanan ng Noble Queens ay nagbubunga ng maganda. Kakatapos din lang nila sa Aqua Queens of the Universe. Kaya sa kalupaan man o sa kailaliman ng dagat, nananagumpay ang mga ipinaglalaban ng kanilang mga Reyna.

Nakilala namin si Alexia nang magkaroon ito ng fashion show ng kanyang mga idinisenyong dami at mga katutubo na sila rin ang nagrampa sa entablado. Roon pa lang nakita na ang pagmamahal at pagbibigay importansiya nito sa indigenous tribes ng bansa.

Nakita naming muli sa Lugaw Haus ni Arnell Ignacio kasama ang Ninong Atty. Sal Panelo para batiin ang dating OWWA administrator sa kanyang kaarawan.

At ito na nga ang bagong sorpresa sa buhay ni Alexia na confidently beautiful na mapapansin siya sa MGI (Miss Grand International) All Star.

Ipinagdiwang din ng Noble Queen ang kaarawan ng kanilang mga reyna gaya nina Giselle Sanchez, Ara Mina, Eren at Patricia.

At rumampa in their evening gowns ang Noble Queens suot ang likha ni Marjorie Jenner.

Ang ikatlong bahagi ng kaganapan ng hapong ‘yun sa Viva Café ay ang paglulunsad ng single song ni Patricia na Imagine Me Without You.

Naniniwala ito na lahat ng bagay ay may tamang oras. Ngayong naranasan na niya ang maging isang aktres, pagtutuunan naman niya ng pansin ang musika yaman at siya ay graduate sa That’s Entertainment ni Kuya Germs. At alam naman ng lahat na roon nahubog ang talento ng mga hinahangaan na ngayon sa acting, singing, hosting at iba pa.

Nagtiwala ang Viva Records kay Patricia at ngayon ay nasa mga musical platform na ang awit na tungkol sa pag-asa, pananampalataya, silakbo ng dadamin, at pagmamahal.

Isa pa lang ito sa 12-all worship songs sa naturang album. Na may two special bonus tracks.

Lahat naman ng ginagawa ni Patricia sa buhay, anuman ang daanan ay tumuturo lang sa iisang landas. 

Sa pagtulong at pagmamahal sa kapwa na nagsisimula sa kanyang tahanan sa piling ng pamilya, sa Noble Queens, sa kanilang health and wellness (HAWS) ng kanyang chiropractic doctor na kabiyak.

Ang maging inspirasyon. Ang maging Pinoy  Pride. Sa lahat ng paraan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …