I-FLEX
ni Jun Nardo
ACTING workshop pa lang, bilib na bilib na ang Pinoy Pinoy Big Brother Collab 2.0 Kapuso first runner up Heath Jornales sa PBB Grand winner na si Caprice Cayetano.
Magkasama sa GMA series na You’re My Favorite Song sina Caprice at Heath kaya naman, naglabas agad ng paghanga ang young actor sa kapareha.
“Sobrang galing po niya mag-acting. Napaka-natural. Napakagaling po niya sa mga ad libs,” deklara ni Heath sa isang post.
Nagkaroon na rin ng storycon ang series na sa GMA Afternoon Prime mapapanood.
Kasama rin sa series sina Marco Masa, Clifford, Lee Victor, Andrei Fajardo, Kairo Lazarte, Wynona Collins, at Princess Aliyah.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com