Friday , June 5 2026
Mister Mis Lipa Tourism 2026

20 kandidata ng Mister & Mis Lipa Tourism 2026 itataguyod kultura, pamana, at turismo ng Lipa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI lamang ganda at kaguwapuhan ang ipinamalas ng 20 kandidata ng Mister and Miss Lipa Tourism 2026 nang rumampa sila noong Lunes, May 11, 2026 sa MLD Hotel and Resort sa Sosyal Place Events, San Carlos, Lipa City.

Ipinamalas ng mga kandidata ang kanilang talino at galing sumagot sa mga ibinatong katanungan ng mga media na nag-cover ng event. Itinaguyod din ng mga kandidato ang kultura, pamana, at turismo ng Lipa City.

Ang Press Presentation ay isa ring milestone sa nasabing syudad para sa lumalagong beauty pageant na patuloy na nagpapatibay sa misyon nito na tuklasin ang mga natatanging ambassador na naglalaman ng pagmamalaki at pagkakakilanlan ng lungsod.

Sa Press Presentation,nagkaroon ng pagkakataon ang mga kandidato na ibahagi ang kanilang mga adbokasiya, adhikain, at pangako na kumakatawan sa kanilang mga komunidad nang may karangalan at kahusayan.

Binubuo ng 10 lalaki at 10 babae ang mga kandidatang maglalaban-laban para sa inaasam-asam na titulo ng Mister and Miss Lipa Tourism 2026. Ipinagmamalaki ng bawat kandidato ang kani-kanilang barangay habang pinaghahandaan ang Grand Coronation Night sa Hunyo 20, 2026.

Ang 10 kandidata ng Miss Lipa Tourism ay kinabibilangan nina Danelle Erich Lee Rodelas ng Brgy Bolbok; Allyza Joyce Lescano ng Brgy Banay Banay; Chloe Andrea Delos Santos ng Brgy Marawoy; Tania Endozo ng Brgy Munting Pulo; Frances Isabel Macatangay ng Brgy Banay Banay; Kate Danielle Morales ng Brgy Sabang; Princess Lyka Virrey ng Brgy Pinagkawitan; Felyciti Claire Marin ng Brgy Tambo; Precious Fajardo ng Brgy San Jose; at Ma. Erica Valenzuela ng Brgy Tambo.

Ang 10 kandidato ng Mister Lipa Tourism naman ay kinabibilangan nina Jhoma Edd Polega ng Brgy Dagatan; John Emmanuel Macasaet ng Brgy. Bulacnin; Ghenno Camacho ng Brgy. Kayumanggi; Marlo Anthony Parco ng Brgy San Jose; Justine Velasquez ng Brgy Tambo; Glen Wendel Masupil ng Brgy Sabang; Johan Miguel Pinon ng Brgy Sampaguita; Mohammad Reza Junior Gholami ng Brgy 8; Vincent Emmanuel Sayas ng Brgy Antipolo del Norte; at Kenzo Guillermo ng Brgy Inosluban.

Ang mga mananalo ay magsisilbing opisyal na ambassador ng turismo ng Lipa City na tutulong para mag-promote ng atraksiyon, kultura, at local pride ng lungsod sa iba’t ibang pakikipag-ugnayan at mga kaganapan. 

Ayon kay Joel Pena, President, Lipa City Tourism Council, magkakaroon ng pagkakataon ang mga magwawagi na kumatawan sa Lipas sa mga pambansa at rehiyonal na pageant na nagbubukas ng mga pinto sa mas malalaking plataporma at mas malawak na pagkilala.

Katunayan, ang reigning titleholders na sina Kurt Mikheal Aguilar ng Bagong Pook at Joey Anne Chavez ay patuloyna nagbibigay inspirasyon sa mga naghahangad na kandidato sa pamamagitan ng kanilang mga tagumpay at dedikasyon.

Kamakailan, nagwagi bilang 1st Runner Up si Kurt sa Mister Friendship International 2025 sa Bangkok, Thailand .

Napag-alaman namin mula kay Mr Pena na mag-uuwi ng P100,000 cash ang tatanghaling Mister & Miss Lipa Tourism 2026 samantalang ang 1st Runner-Up ay P70,000; ang 2nd Runner-Up ay P50,000; ang 3rd Runner-Up ay P30,000; ang 4th Runner-Up ay P20,000; at P10,000 ang consolation.

Ang Mister and Miss Lipa Tourism ay isinakatuparan sa pagtutulungan nina Mayor Eric AfricaCouncilor Venice DC Manalo, Dr. Ronnel Sarmiento (City Administrator), Ms Aylene Acorda (MIHTM OIC Tourism), Joel Pena (Georgia Reyes (Pageant Director), Israel Mission (Prod management), at Jessica Manalo (Secretariat).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …