RATED R
ni Rommel Gonzales
ICONIC ang hit song na Laki Sa Layaw (Jeproks) ng music legend na si Mike Hanopol.
At mismong kay Mike, after so many years, namin nalaman kung ano talaga ang kahulugan ng salitang “jeproks.”
Ang ibig sabihin pala nito ay binaliktad na “project.”
“Ano ngayon itong project? Project ito riyan sa Quezon City. ‘Di ba, ang tawag sa mga lugar diyan, Project 1, Project 2, Project 3, Project lahat iyan,” paglilinaw ni Mike.
“Puro Project, ‘di ba? ‘Yung 10, wala na. ‘Yung 1, wala na. Isa-isa na iyan. Project 8 nga, nawala rin. Alam mo kung ano na ngayon?
“Congressional. Ha! Ha! Ha!
“Kita niyo, isa-isa nang nawawala. Bakit? Kasi, nauubos na ang pera ng tao. Ha! Ha! Ha!
“Kailangang ibenta.
“Ang Project na lupa riyan sa Diliman, alam niyo lahat ‘yan, UP iyan. UP! ‘Yung lupa riyan, tinawag na Project 1, 2, wala na ‘yung iba ryan… ‘yan ang Project ni President Quezon.
“Quezon. President Quezon. At iyan ay idinonate niya sa UP. Kaya ‘yung Project na ‘yan, kay President Manuel L. Quezon, Okay?
“Noong kasagsagan niyong “Jeproks” kaya naging Jeproks, kasi ang mga audience, followers namin, ay 99.9 percent taga-Project.
“So, ‘pag nagtatanong, backstage na kami, ‘O, nandiyan na ba iyong mga jeprok?’ Doon nag-umpisa iyan, sa UP, jeprok.”
Samantala, isasadula sa Jeproks The Musical ang mga awitin ni Mike. Bida rito si David Ezra na anak ng diva na si Dulce..
Mapapanood ang musical play sa November 21-23 sa 27-30, 2025 sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., CCP Complex, Pasay City.
Ito ay ididirehe ni Frannie Zamora (ng Tanghalang Uno Obra), script ni Nicolas Pichay at mula sa produksiyon ng The Hammock Production, Inc. ni Johnny Blue.