RATED R
ni Rommel Gonzales
IWAWAGAYWAY ni Charyzah Barbara Esparrago ang watawat ng Pilipinas sa Huwebes, June 26 at susubuking sungkitin ang korona at trono bilang Miss Supermodel Worldwide 2025.
Labingdalawang kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang makakalaban ni Charyzah at sila ay sina sina Joseline Pando ng Ecuador; Ruth Yirgalem Weldesilasie ng Ethiopia; Shelito Kim Gallego ng Hawaii, USA; Tiffany Fernandes ng India; Gulsiia Aidarovna ng Russia; Olwethi Tembeng South Africa; Ju Won Bak ng South Korea; Maria Leslyn Numilla ng Spain; Joy Mwangi ng USA; Charmyn KC Sierra ng Vietnam; Shanoli Yolada Fernando Wewalage ng Sri Lanka, at Favour Felix-Briggs ng Nigeria.
Gaganapin ang pageant sa grand ballroom ng Okada Manila.
Si Sandeep Kumar na may-ari at Presidente ng Rubaru Group India ang founder at International Pageant Director ng Miss Supermodel Worldwide.
Katuwang niya si JJ Maghirang III na International Creative Director ng MSW.
Samantala ang Velvet Media, Inc. ang Philippine franchise owner ng MSW.
Binubuo ito nina Jhovs Medico (Managing Partner); Mae Maghirang (National and Finance Director); at Michelle Perez (Operations Director).
Ang Miss Supermodel Worldwide Core Team naman ay binubuo, bukod kina Mr. Kumar at Mr. Maghirang III, nina Reygie Rodriguez (Lead Hair & Make-up Artist) at John Henry Cabezas(Photography and Videography Lead).