RATED R
ni Rommel Gonzales
KAHIT retirado na pero nananatiling respetado ng mga tao sa Boracay ang tinaguriang Queen of Boracay na si Mila Yap.
Tinagurian siyang Queen of Boracay dahil sa mga naging kontribusyon niya sa isla.
“Dati akong Presidente ng United Boracay Island Business Association. ‘Yung friend ko, tinagurian niya akong Queen of Boracay.”
Ipinanganak at lumaki sa Boracay, taong 1976, nagsimula si Madam Mila ng negosyo sa isla.
Noon ay wala pang mga hotel at cottages at buildings kaya itinayo ni Madam Mila ang Yap’s Resthouse at Mila’s Restaurant na tinangkilik noon ng mga turista.
Sa ngayon, si SB Datu, anak ni Madam Mila, ang nagmamay-ari at nagma-manage ng The District Boracay na isang class at 5-star na boutique resort sa Station 2 ng mala-paraisong isla ng Boracay.
Class at 5-star rated ang The District Boutique Resort sa prime beachfront ng Boracay, as in paglabas mo ng main entrance ay dagat na ang nasa harap mo.
Napakaganda, napakalinis, at affordable ang The District, bukod pa sa very efficient nilang staff, masasarap na mga putahe sa mga restaurant sa loob mismo. Bukod pa sa pagkakaroon nito ng sariling spa, gym, at swimming pool.
Ang isa pang anak ni Madam Mila, si Mylene, ay asawa ng King of Pinoy Rap na si Andrew E..
“Iba si Andrew, mapagmahal sa pamilya,” lahad ni Madam Mila tungkol sa kanyang manugang.
“Mahal niya kaming pamilya ni Mylene at lalong mahal na mahal niya ang mga anak niya.”
Sa ginanap na 1 Time For Your Mind concert ni Andrew nitong Disyembre 11, 2024 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, sa unang pagkakataon ay magkakasamang nag-perform sina Andrew at ang tatlong anak nila ni Mylene na sina sina Fordy, Jassley, at Ichiro.
At habang pinanonood ang kanyang manugang at mga apo ay hindi napigilan ni Madam Mila na maiyak.
“Iyak ako! Nakikita ko silang palaging nagpe-perform pero first time silang sabay-sabay sa stage kasama si Andrew,” kuwento ni Madam Mila sa isang interview sa kanya.
At 79 years old, nag-e-enjoy si Madam Mila na bumiyahe sa mga paborito niyang lugar, bukod siyempre sa Boracay, tulad ng Amerika, Hong Kong, Macau at Maynila.