Saturday , June 14 2025
Miles Ocampo lumipat na sa All Access to Artists

Miles minsang kinuwestiyon ang sarili: bakit ang tagal, hanggang dito na lang ba ako?

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA umpisa ay tila hindi makapaniwala si Miles Ocampo na kokontratahin siya ng talent management na humahawak sa showbiz career nina Carla Abellana, Maine Mendoza, at Marian Rivera na Triple A (All Access to Artists) talent management.

Ilang beses  tinanong ni Miles ang mga boss ng Triple A kung sigurado ba ang mga ito na papirmahin siya ng kontrata.

Kung tutuusin, mula pagkabata, ilang beses na ring napatunayan ni Miles ang husay niya bilang aktres. Naging Best Supporting Actress nga siya sa MMFF 2023 sa pelikulang Family Of Two bilang love interest ni Alden Richards.

Kaya bakit tila hindi siya makapaniwala na may “K” siya na i-manage ng Triple A? Wala ba siyang tiwala sa sarili niyang kapasidad at talento?

Actually, mayroon naman kapag nandiyan na,” saad ni Miles.

Kapag nandiyan na ang moment, wala akong choice kung hindi ibigay ang 101% best ko.

“Pero, ganoon kasi ako lumaki. Lumaki ako sa industriya na alam kong replaceable ka talaga.

“Kahit may na-offer na project sa iyo, hangga’t hindi pa umeere, hindi ka pa sigurado. Hangga’t hindi pa umeere, puwede pang mapunta sa iba.

“So, lumaki ako na ang mindset ko rito sa industry, you always have to prove yourself para tumagal ka.

“Siyempre, hindi lang dapat sa trabaho ka magaling. 

“Dapat marunong ka rin makisama sa paligid mo.

“At the end of the day, minsan, kahit ano ang ugali mo, minsan kahit hindi ka ganoon ka-101% mag-perform, pero alam nilang marunong kang makisama, ikaw pa rin ang pipiliin nila.

“Pinalaki rin ako ng mga magulang ko na kailangan, stay humble lang.

At the end of the day, hangga’t may mga taong nagtitiwala, ibinibigay ko po talaga lahat.”

Hindi rin ugali ni Miles na magkompara sa ibang kapwa niya artista ng kung anumang naabot niya.

Sabi ko nga noon, ‘di ba, dumating sa point noong bata-bata ako, na naiinip na ako. Na bakit ang tagal? Hanggang dito na lang ba ako?

“Dumating sa point na habang tumatagal ka sa industry, doon ko napatunayan na hindi naman pala importante na ikaw ang pinakasikat.

“That’s why I’m here,” nakangiting wika ni Miles.

Doon ako sa longevity. Doon ako sa hindi mo kailangang maging lead all the time.

“As long as maganda ‘yung role at nai-deliver mo nang maayos.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

GameZone Vice Ganda FEAT

IT’S A MATCH! GameZone launches dynamic new chapter with Vice Ganda as its first-ever ambassador

The newest logo of DigiPlus’ youngest gaming platform – GameZone. The game just got better …

Aiko Melendez Fast Talk With Boy Abunda

Aiko sinagot pangarap mag-mayor ng Quezon City

MA at PAni Rommel Placente MULING nanalo ang award-winning actress na si Aiko Melendez nang tumakbo siya …

Ruru Madrid

Ruru hindi napigilang mapaluha sa last taping day ng Lolong

MA at PAni Rommel Placente EMOSYONAL ang cast at production staff ng seryeng Lolong: Pangil ng …

Cecille Bravo 2025 Manila Intl Fashion Week

Celebrity businesswoman/Philanthropist Cecille Bravo rumampa sa 2025 Manila Int’l Fashion Week

MATABILni John Fontanilla ISA sa rumampa sa 2025 Manila International Fashion Week na inorganisa ni Bench Bello, ang …

Sylvia Sanchez Cannes

Alemberg sinupladuhan si Sylvia, napagkamalang hao siaoprodu

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng multi-awarded actress at film producer Sylvia Sanchez kung paano nabuo ang collaboration …