HARD TALK
ni Pilar Mateo
THE goal was to continue the legacy that the first sing-along bar in the country started.
Music Box! On May 24, 2025 ika-41 anibersaryo na ang ipagdiriwang.
Ang may-ari ng masasabing “sister bar” nito, ang The Library, na si Andrew de Real ang hindi pumayag na tuluyang tumiklop ang kurtina ng Music Box. At nadagdagan pa ang partner nila sa katauhan ng isa sa mga nagsimula ng kanyang karera sa naturang comedy bar na si Pokwang. Na siyang naging sanayan niya nang sumalang at tanghaling big winner sa Klown in A Million.
Kaya together with his business partner, Jerick Gadeja, hindi ito nagsara nang bitawan na ng huling nagmay-ari.
Kaya isang taon na itong tinangkilik bilang Music Box powered by The Library!
Marami ng pangalan sa mundo ng pagpapatawa ang dumaan sa entablado ng Music Box. Si Ai Ai delas Alas. Si Arnell Ignacio. Ang the Boxers na kinabilangan nina Gladys Guevarra at K Brosas. Si Richard Villanueva. Napakarami pa.
At ngayon, patuloy sa pagtuklas ng marami ang talent management na nasa likod nito, ang D’Calibre ni Jerick.
Marami sa mga sumasalang na bawat gabi sa MB ay nakilala na sa mga sinalihan nilang paligsahan. Sa Tawag ng Tanghalan. Sa Sing Galing. Sa ABS-CBN. Sa GMA-7. Sa TV5.
At napaka-matulungin at supportive rin ng nasabing bar sa kanyang kapitbahay.
Nang magbukas ang Vice Comedy Club ni Vice Ganda, inawitan niyo ang mga sumasalang ng hosts ng MB para siya namang maging entertainers niya sa VCC.
Ganyan magmahal sa mga talent nila ang naturang mga may-ari.
Kaya may mga gabing nagsisidalaw pa rin sa MB ang mga kinikilala ngayon sa VCC.
Para sa nalalapit na anibersaryo ng MB na magki-kick off sa May 15, 2025, naghanda ang bawat grupo ng bawat gabi ng special presentation na maglalaban-laban sila.
Sa May 15, matutungyahan ang The Greatest Variety Show on Earth ng Thursday group directed by Señora Nikki Chavez. On May 16 (Friday) naman, ang Ikaapatnapu’t Isang Taon ng Musika.! Susundan sa Sabado (May 17) ng espesyal na palabas ng mga nauna ring kinilalang drag quens matapos ang mahabang panahon, ang Raging Divas Reunion Show“ (The Repeat); Linggo May 18 ang All Stars Presents Bring It On. Ang Lunes (May 19) ay tatampukan ng D’Villains. Sa Martes (May 20) ang Tuesday Presents Mars Ravelo. There’s more. Wednesday (May 21) is ang May Something.
Kaya tuloy-tuloy lang ang kasiyahan gabi-gabi.
Ang grand finale ay magaganap sa Sabado (May 24, 2025) na dadalo ang mga kilalang celebrities, na magiging alumni homecoming ng mga nagsimulang maging bahay ang Music Box sa mahabang panahon.
Drop by and reserve your tickets now. And support the next generation of comedians who cannot just sing and dance but perform to your heart’s delight.