Thursday , June 19 2025
Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Nova sa Picnic: a dramatic movie na may lesson sa ating pamilya

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAIRAOS na natin ang pagboto sa eleksiyon ngayong 2025, kaya manood na tayo ng sine.

Palabas ngayon ang dubbed-in-Filipino Korean movie na Picnic.

Binili ito ng Nathan Studios nina Sylvia Sanchez at Ria Atayde sa Korea at dinala rito sa Pilipinas, ipina-dub kina Nova Villa, Ces Quesada, at Bodjie Pascua.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Ms. Nova sa Nathan Studios.

Thank you at dinala ninyo rito sa Philippines ang pelikulang ‘Picnic.’ Malaking tulong ito para sa Filipino, sa ating lahat,” saad ni Nova.

Napakalaking tulong na I hope, na after mapanood ninyo, mag-unite na ang bawat pamilya.

“Iyong maging sensitive tayo sa pamilya natin, sa feelings ng ating nanay, ng ating lolo, ng lola. The family.”

Mahalaga para kay Nova na hindi sana mawala sa ating mga Filipino ang likas na malasakit at respeto sa mga matatanda.

Iyan naman ang Pinoy eh, ‘di ba? Pero natatangay tayo sa pagbabago. Sa dami ng pumapasok sa Pilipinas, nagiging materialistic tayo, at napapabayaan na natin ang ating pamilya.

“Pero kung tutuusin, wala ka kung wala iyong pamilya mo. Ang makikita niyo riyan, iyong pain.

“Na gusto mo ba, ganyan din ang mangyari sa iyo ‘pag wala na sina lolo at lola, si nanay, si tatay? What will happen to you?

Nasaan na ‘yung love? Ang Filipino, clannish iyan. Maano iyan, maka-pamilya ang Filipino…

“Bagaman sila,” pagtukoy ni Ms. Nova sa mga South Korean na karakter sa Picnic, “taga-ibang bansa, mayroon din silang hinahanap.

“Parang Pinoy din.

“Huwag sanang mangyari sa Filipino ito.

“Nalulungkot din ako sapagka’t mayroon din akong nakikitaan sa ating Filipino family na ganoon ang nangyayari.

“Nagiging materialistic tayo. Nagiging makamundo na ang kabataan. Na parang nababalewala ang pamilya, lalo na ang mga lolo at lola.

“At dito makikita natin kung gaano sila kahalaga sa atin, kung gaano nakakaawa iyong ganoon.

“So this movie, sana’y magbigay ng magandang aral, mapanood ng mga kabataan how important ang pamilya.

“Lalo na ang mga lolo at lola na nag-alaga noong maliit ka pa, noong baby ka pa hanggang lumaki, and they’re just like that. Na parang wala na.

“Kasi ang iniisip mo na lang, sarili mo. So this is a very dramatic movie, pero may lesson sa ating pamilya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Nadine Lustre

Nadine at Vice Ganda’s MMFF movie inaabangan

MATABILni John Fontanilla MARAMI anf natuwang supporters ng actress  na si Nadine Lustre at  It’s Showtime host Vice Gandanang kumalat …

Julius Babao Cesar Montano Sunshine Cruz Atong Ang

Cesar maligaya para kina Sunshine at Atong Ang

KINUHA ni Julius Babao ang reaksiyon ni Cesar Montano nang mag-guest ito sa kanyng Youtubechannel na Unplugged, tungkol sa pag-amin ng …

John Lloyd Cruz fathers day

Lloydie emosyonal, tagos sa puso mensahe sa anak noong Father’s Day

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Father’s Day, last Sunday, ay nagbiday ng message …

Dustin Yu

Dustin Yu hindi bet ng marami sa PBB Collab?

I-FLEXni Jun Nardo BAKIT kaya maraming ayaw kay Dustin Yu sa PBB Collab? Pero mula simula hanggang sa …

Lotlot de Leon Nora Aunor Cocoy Laurel

Painting na ibinigay kay Lotlot simbolo ng malalim na pagkakaibigan nina Cocoy at Nora 

I-FLEXni Jun Nardo PAKAIINGATAN ni Lotlot de Leon ang painting na ibinigay ng pumanaw na singer-actor  na …