Tuesday , April 22 2025
Ailleen Claire Olivarez Paulo Cornejo

Chief Political Officer ng kandidatong mayor tinangkang kidnapin, kumasa

NABIGO ang tatlong hindi kilalang lalaki na nagtangkang mangkidnap sa political officer ni Parañaque mayoral candidate Ailleen Claire Olivarez sa isang coffee shop sa nasabing lungsod nitong Sabado ng hapon, 15 Marso.

“Sa leon o sa tiger hindi ako natatakot, sa inyo pa?!”

Inihayag ito ni Paulo Cornejo para sa mga nagtangkang tangayin siya.

Sa salaysay ng political officer na si Cornejo, hinatak siya palabas ng coffee shop ng grupo ng kalalakihan habang nagmemeryenda sila ng kanyang mga kasama pero pumiglas siya.

“Mismong nakakita ‘yung attorney namin, na sabi nga niya ay attempted kidnapping,” ani Paulo.

Dahil sa nangyari ay agad nagpa-blotter si Cornejo, habang ang kanilang abogado ay nakatakdang magbigay ng sariling sinumpaang salaysay sa pulisya.

Pupuntahan ng pulisya ang coffee shop na pinangyarihan ng insidenteng iniulat sa police investigator upang suriing mabuti ang CCTV camera, at kumuha ng salaysay ng mga taong naroon.

Sinabi ni Cornejo, wala siyang alam na personal na kagalit o kaaway na posibleng gagawa noon sa kanya.

Mas kombinsido ang political officer na mayroong motibong politikal dahil sa pagsuporta niya kay mayoral candidate Ailleen Claire Olivarez, mas kilala bilang ACO, ang dinanas niya.

“Manigas sila! Hindi ako natatakot sa kanila. Mas lalo naming pag-iigihan, baka akala nila matatakot kami at aatras kami,” ani Cornejo. (EJ DREW)

About EJ Drew

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Blind Item, Mystery Man, male star

Hunk actor suki sa mga political rally kahit ‘di feel ng publiko

I-FLEXni Jun Nardo MAINSTAY na yata ang isang hunk actor na paminsan-minsan eh kumakanta rin sa political …