Wednesday , June 3 2026
Atty Melvin Matibag NBI

Atty. Melvin Matibag opisyal nang umupo bilang bagong NBI director

OPISYAL nang isinalin kay dating PDP-Laban secretary general Atty. Melvin Matibag ang pagiging bagong Director ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa turnover ceremony kahapon, sa tanggapan ng NBI sa Pasay City, isinalin ni Atty. Lito Magno ang tungkulin kay Atty. Matibag na itinalaga ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM).

Nagbigay ng kanyang kaunting talumpati, tiniyak ni  Atty. Magno ang buong suporta sa bagong director ng NBI at nagpahayag ng kompiyansa na ipagpapatuloy ang kaniyang mga nasimulan.

Pinasalamatan ni Atty. Matibag ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga empleyado ng ahensiya at humiling ng tulong para magampanan niya ang kaniyang tungkulin.

Aniya, bukas ang kaniyang tanggapan sa kahit anong puna o suhestiyon para maging maayos at mapaigi ang kaniyang trabaho.

Nangako ang bagong director na pagtutuunan niya ang promosyon ng mga tauhan ng kagawaran batay sa kanilang performance.

Samantala, nanawagan ang bagong director sa mga gumagamit ng kaniyang pangalan na tigilan ito.

Una na niyang sinabi sa isang programa sa radyo (DZRH) na nagbitiw siya sa PDP Laban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkakaiba ng prinsipyo. (EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About EJ Drew

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …