Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heaven Peralejo Lilim

Heaven madalas bangungutin, lalaki nananahan sa condo

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL isang horror film ang Lilim, pinagkuwento si Heaven Peralejo ng nakakikilabot na karanasan sa tunay na buhay.

Nangyari raw ito noong nakatira si Heaven sa isang condominium unit.

Every night, as in hindi ako nagdyu-joke, every night, binabangungot ako.

“‘Yung bangungot as in ‘yung tipong sumisigaw ako ‘pag gumising ako kasi hindi ko kayang gumising mag-isa.

“Like alam mo ‘yung hirap na hirap kang gumising, ‘yung ginagalaw mo ‘yung katawan mo pero ayaw?

“So parang ‘pag nagising ka, ‘Aaaahhh!’

 “Like ganoon talaga. Tapos sabi ko,’ Bakit kaya?’

“Hindi ko naman din alam kung bakit pero naiinis na ako  kasi hindi ako makatulog na mag-isa.”

Ang naisip ni Heaven, dahil ang lola niya ay nakakikita ng espiritu, pinapunta niya ito sa condo niya.

“So iyon pala, all along, naroon lang pala sa may… ‘Heaven, may nakatayo rito,’ sabi ng lola ko. ‘Ha, Talaga ba?’

“Sa corner pala niyong kuwarto ko na kung saan ako naka-face, may lalaki raw na nakatingin lang. So ako, ‘Ha?!’

“So after ko nalaman, tumaas talaga ‘yung balahibo ko!”

At umalis na si Heaven sa naturang condo.   

Samantala, kasama ni Heaven sa Lilim sina Eula Valdes, Ryza Cenon, Mon Confiado, Skywalker David, Rafa Siguion-Reyna, Nicole Omillo, Phoebe Walker at marami pang iba.

Palabas  na bukas, March 12 ang Lilim sa mga sinehan mula sa Viva Films at sa direksiyon ni Mikhail Red.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kiray hihinto muna sa pag-aartista, tutukan nalalapit na kasal at negosyo

MATABILni John Fontanilla PANSAMANTALANG hihinto muna sa pag-aartista si Kiray Celis para mag-focus sa kanyang negosyo, ang …

Nadine Lustre Sierra Madre

Nadine trending sa mala-Sierra Madre photo shoot

MATABILni John Fontanilla VIRAL ngayon sa social media ang mga litrato ni Nadine Lustre na inihahalintulad ito …

Miguel Tanfelix FIberBlaze internet

Miguel nahihilig sa solo backpacker

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOLO backpacker ang peg ni Miguel Tanfelix ngayong ini-enjoy niya ang pag-aabroad. “Mas …

Angeline Quinto Ang Happy Homes ni Diane Hilario

Angeline pinasok pagpo-produce ng pelikula

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY producer na rin ngayon si Angeline Quinto. Sa pagdiriwang ng kanyang …

NCCA National Artists

Vilmanian may panawagan sa NCCA 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BINIGYAN kami ng kopya ng mga kapwa Vilmanian ng naging sulat-panawagan nila sa NCCA at CCP …