RATED R
ni Rommel Gonzales
DINURAAN ni Mon Confiado si McCoy de Leon sa mukha sa isang eksena sa In Thy Name.
Eksena ito na binugbog ni Abu Sabaya (Mon) si Father Rhoel Gallardo (McCoy) at ayon nga sa kuwento ni Mon, “Unang-una nagpapasalamat ako sa dalawang direktor namin kasi binigyan talaga kami ng freedom for that scene.
“Actually kami ni McCoy mismo ‘yung… si direk Rommel nakaabang lang sa kamera, one long take ‘yun, dalawang takes ang gusto ni direk Ceasar.
“Pinulido namin, nag-usap lang kami sandali, sabi ko, ‘McCoy hindi ko alam saan papunta ito, basta tatadyakan kita, pagsasasapakin kita hindi ko alam kung gaano kalakas.
“Pero parang napalakas yata noong napanood ko, eh.
“Pero iyon, sobrang ina-admire ko si McCoy sa kanyang professionalism dahil alam kong nasasaktan siya, ‘yung unang tadyak pa lang sumubsob na agad talaga siya.
“Hinahampas ko talaga ‘yung mukha niya, ano na kasi ako niyon, wala na ako kumbaga sa kontrol, wala na ako sa sarili ko, kung ano lang ‘yung maisip kong gawin.
“At tinatanggap lahat ni McCoy.
“At hindi lang siya dura, naging plema pa!
“Kasi that time parang may ubo ako, pag-ipon kong ganoon… pagdura ko ewan ko iyon ‘yung lumabas, tinanggap din ni McCoy ‘yun, muntik pang umano (mag-shoot) sa bibig niya.
“Parang iyon kasi ‘yung representation kung paano namin niyurak ang pagkatao ni Father Rhoel, eh.
“Dinuraan sa mukha, isinubsob sa lupa.
“So iyon lahat and McCoy, love you!
“Thank you! Salamat sa pagtanggap, sa propesyonalismo,” ang sinabi pa ni Mon kay McCoy.
Mula sa direksiyon nina Caesar Soriano at Rommel Ruiz, ang In Thy Name ay palabas na ngayon sa mga sinehan na co-stars sina Aya Fernandez, Kenken Nuyad, Jerome Ponce, Yves Flores, Ynez Veneracion, Kat Galang, Pen Medina, Alex Medina, Soliman Cruz, at JC de Vera.
Mula ito sa Viva Films at sa GreatCzar Media Productions.