RATED R
ni Rommel Gonzales
SI Cris Villanueva ang gumanap na ama ni Herlene Budol sa Binibining Marikit ng GMA kaya kinumusta namin sa aktor ang pagganap niya bilang tatay ng beauty queen?
“Madaling makipag-bond sa kanya kasi ano siya, very open siya eh.
“Katulad nga niyong game na game siya, ‘pag tinanong mo, sagot siya, hindi lang siya showbiz. Wala ‘yung nag-iisip na baka makasira ng image, walang ganoon.
“Basta sasabihin niya agad sa ‘yo eh, ‘Tay okay lang ba, ganito ‘yung gawin?’ ‘Oo’, sabi kong ganoon.
“Ano siya, very open, nakatutuwa kasi seryoso siya sa ginagawa niya, kahit na sabihin nating para siyang luka-luka na dire-diretso magsalita, seryoso siya.
“Mayroon siyang nag-a-advise sa kanya on how to attack it, pero mayroon siyang sariling atake na nakatutuwa, pati ‘yung words na ginagamit niya, minsan nagugulat ako, nakatutuwa.”
Kumusta katrabaho ang mga kabataang artista ng Binibining Marikit sa set na tulad nina Tony Labrusca, Thea Tolentino, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras at ang male pageant winner-turned Sparkle artist na si Kevin Dassom.
“Dito lahat ng nakatrabaho ko, very polite.
“Talagang nagpapakilala agad, pagpasok ng tent, ‘Ay ako nga pala si ano’, and I like that.
“Nakatutuwa ‘yun para sa akin na ganoon sila.
“Siguro tinuruan or napagsabihan, but it feels nice para sa katulad ko, na ‘yun nga, they go out of their way to introduce themselves.
“Dito sa set namin kasi masaya eh, na parang from the start naman nandoon ako, so parang nag-bond kami agad ng mga bagets, ng mga co-star ko, so ang sarap.
“Lalo si Herlene, totoo ‘yung sinasabi nila na iba ‘yung energy ni Herlene eh, hindi siya… basta binitbit niya lahat, kasi ano siya eh, bubbly talaga.”
“Life of the party” daw si Herlene ayon pa kay Cris.
Sa direksiyon ni Jorron Lee Monroy, napapanood ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at para naman sa Pinoys abroad ay via GMA Pinoy TV.