Sunday , March 23 2025
Charyzah Barbara Esparrago Miss Supermodel Worldwide Philippines 2025

Charyzah Esparrago itinanghal na Miss Supermodel Worldwide Philippines 2025

RATED R
ni Rommel Gonzales

HALOS hinakot na lahat ni Charyzah Barbara Esparrago ng Quezon City ang special awards sa katatapos lamang na Miss Supermodel Worldwide Philippines 2025.

Isang dosena, yes, 12 ang napanalunang special awards ni Charyzah at ito ay ang Supermodel Best Speaker, Darling of the Press, Runway Supermodel, Miss Wacoal, Miss IGEM Crystals, Miss House of Pia Mondo, Miss Golds Gym, Miss S5 Supermodel, Miss Charity, Best in Swimsuit, Best in Evening Gown, at Best in Filipiniana.

Habang humahakot siya ng special awards, may pagdududa pa ba sa isip ni Charyzah na siya na nga ang magiging title-holder bilang Miss Supermodel Worldwide Philippines 2025?

Well of course it’s always up to the judges at the end of the day but I was really excited for whatever was gonna happen.”

Naniniwala si Charyzah na kung anuman ang nangyari noong gabing iyon , iyon ang nakatadhana.

At tulad nga ng itinadhana siya ang kinoronahan bilang Miss Supermodel Worldwide Philippines 2025!

Labintatlong kandidata ang tinalo niya.

Ano ang mga paghahanda na ginawa niya para sa pageant?

“I did a lot of runway training, my main goal was to make sure that the first step onto that stage was full of aura and exuded confidence.

“Rampa is very different from pasarela and I was challenged at first, but at the end of the day, when we started coronation, I just trusted in my training.”

Sa kanyang palagay, ano ang nagpanalo sa kanya?

“I think it was just being in the moment.

“When I went on that stage, the only thing on my mind was, ‘You are wearing a work of art and it’s your job to deliver it.’”

May plano ba siyang sumali naman sa Miss Universe Philippines?

“Oh, I don’t know, that’s up to the stars, that’s up to God,” ang natatawang sagot ni Charyzah. Samantala, ang mga iba pang nagwagi sa gabing iyon ay sina Miss Teen Supermodel Worldwide Philippines 2025 Angel Nocidal Laure (Antipolo City), first runner-up Mher Karizze Narciso (Makati City), second runner-up Doreen Ahuja (Pasay City), at third runner-up Ailliza Patricia Juare (San Jose del Monte Bulacan).

About Rommel Gonzales

Check Also

Atasha Muhlach Bad Genius

Atasha Muhlach pagbibidahan Bad Genius PH remake

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si Atasha Muhlach na nakaramdam siya ng kaba sa pagtanggap ng kauna-unahang …

Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo nakaramdam ng birthday blues: I’m so scared, I’m so lost

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “I’M turning 29 in a few days. I’m at the point …

Ara Mina

Ara Mina ide-delay muna ang pagbubuntis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISASANTABI muna ni Ara Mina ang planong pagbubuntis. Ito ang naibahagi sa amin …

CIA with BA Boy Abunda Cayetano

Expectation vs. Reality’: Mga mamimili binalaan sa mapanlinlang na online sales practices

SA panahon ngayon, hindi lahat ng nakikita sa internet ay totoo. Kaya naman pinaalalahanan ng CIA …

Ara Mina Sarah Discaya

Ara susubok muli sa politika, peg si Ate Vi

ni Allan Sancon BUKOD sa pagiging magaling na actress, likas din naman  kay Ara Mina ang pagiging matulungin …