Wednesday , January 15 2025
Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia ibinuking Arjo elementary pa lang nangungulit na para mag-artista

RATED R
ni Rommel Gonzales

SEPTEMBER 5, 2024 nang manalo si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor in a TV Programme sa ContentAsia Awards 2024 para sa mahusay niyang pagganap bilang Anton dela Rosa sa Cattleya Killer.

Ginanap ang nabanggit na awards ceremony sa Taipei, Taiwan.

Ang Cattleya Killer ay isang ABS-CBN International Productions series na produced ng ABS-CBN Studios at Nathan Studios.

Ang pinuno ng Nathan Studios ay ang aktres na si Sylvia Sanchez, ina ni Arjo.

Alam mo, noong nanalo siya, parang… wala na akong masabi, wala na akong… Thank you Lord na lang, kasi ‘di ba, rito sa Pilipinas kapag na-nominate siya, nananalo rin siya. Lagi ‘yun.

“Tapos ngayon, abroad naman siya nananalo, so parang… Thank you Lord na lang. At saka abroad ‘yun, at saka hindi lang siya isang beses, dalawa na, tapos lalaban na naman siya ulit. Parang, ‘Oh my God’,” ani Sylvia nang uriratin namin siya sa pagkapanalo ng anak.

Inasahan o inakala ba niya noong batang paslit pa lamang si Arjo na darating ang araw ay magiging mahusay na artista?

Hindi,” bulalas ni Sylvia. “Alam mo ‘yun, alam mo ‘yun. 

“Hindi ko… kinukulit niya ako noong bata pa siya, alam niyo ‘yun, alam niyo ‘yan, kayo mga barkada ko eh,” pagtukoy ni Sylvia sa amin. 

Elementary pa siya, grade school pa siya, gusto niya mag-artista. Hindi ko siya pinapayagan, kasi gusto ko nga siya mag-aral.

“Tapusin niya, maging businessman siya, ‘pag naging businessman na siya, kung gusto niya mag-showbiz, eh ‘di why not?

“Kaso wala eh, gusto niya talaga eh, calling niya talaga. 

“So hindi ko… marami nga nagtatanong, na sabi nila, bakit pinush ko ‘yung bata?

“Never ko pinush ‘yun. Ako pa nga ‘yung nag-i-stop na mag-artista, pero talagang wala, eh. Kailangan kong pakawalan, kasi nagwawala na siya noong high school, eh. 

“Hindi na niya maintindihan, ‘Ba’t hindi mo ako pinapayagang mag-artista?’

“‘Nag-artista ka naman’, sabi ko, noong grade school siya, ‘Pagka-graduate mo ng grade school.’

“Tapos noong pagka-graduate niya ng grade school, sabi, ‘Naka-graduate na ako, o artista na ako!’

“Sabi ko, ‘Hindi, kasi high school, kasi padre de familia ka’, after niyong high school, sinabi ko naman, after ng college, hindi na mapigilan, eh.”

At ngayon, kapag nakikita niyang tumatanggap ng acting trophy si Arjo, anong nararamdaman ni Sylvia?

Parang ano, na ganoon na lang, wala na akong masabi,” pakli ni Sylvia.

“Alam mo ‘yung parang, ‘Shit, galing sa tiyan ko ‘to!’

“‘Yung hindi ako makapaniwala, na tuwang-tuwa, na proud. Basta ‘pag nagpo-post na nga lang ako, ‘Proud’, ganoon na lang.

“Kasi wala na eh, wala na akong… nakatutuwa sobra.”

At ano ang reaksiyon ni Sylvia kapag sinasabing, ‘Eh magaling iyan, mana sa nanay?’

Mas magaling siya sa… okay, ganito, nagmana sa akin si Arjo sa acting, pero alam ko, mas…nagmana siya, pero mas magaling ‘tong batang ‘to.”

Bakit niya nasabi?

Noong umpisa akong naging artista, pinapaiyak ako ni Mother Lily [Monteverde ng regal Films], ngumingiwi na mukha ko, hindi pa rin ako… ha! ha! ha!

“I mean, nandoon na ‘yung talent, nandoon na, pero, ‘yung ginawang record ni Arjo, pagpasok na parang ha?”

Na mahusay agad na aktor.

Oo. Bakit ganoon? Eh ako nakailang years ako natutong umiyak. Natutong…  natuto ng mga kung anong dapat gawin.

“Si Arjo, pagpasok talagang, ‘Oh wow!’

“Ang galing niya, aktor kaagad,” sambit ni Sylvia.

“ Ako kasi, nahasa eh, may talent na, nandoon na, innate na ‘yun, pero ilang taong kong pinag-aralan.

“Ito kasi,” pagtukoy pa ni Sylvia kay Arjo, “pagpasok parang nakagugulat, parang, wow!”

Bida si Arjo sa entry ng Nathan Studios na pelikulang Topakk sa 50th Metro Manila Film Festival na palabas pa sa kasalukuyan.

About Rommel Gonzales

Check Also

Aegis Mercy Sunot

Aegis inamin maninibago sa biritan sa pagkawala ni Mercy Sunot

RAMDAM namin ang lungkot habang kumakanta at tumutugtog ang magkakapatid na miyembro ng bandang Aegis. …

Gerald Santos

Gerald Santos tuloy kaso kay Danny Tan; nabunutan ng tinik nang humarap sa senado

HINDI paaawat sa pagsasampa ng mga kaso si Gerald Santos laban sa musical director na …

Rachel Alejandro Geneva Cruz Jeffrey Hidalgo Nasaan Si Hesus

Rachel, Jeffrey, Geneva ‘di nagdalawang-isip pagtanggap ng Nasaan si Hesus?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio EXCITED pare-pareho sina Rachel Alejandro, Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Nathan Studios Buffalo Kids

Buffalo Kids pampamilya, hatid ng Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng Nathan Studios entry sa 50th Metro …