RATED R
ni Rommel Gonzales
IBA talaga ang training sa ilalim ng mga Koreano.
Si Chanty Videla kasi bilang miyembro ng Korean girl group na Lapillus, sumailalim sa pangangalaga ng kanilang Korean management.
Kaya naman marami siyang natutunan, hindi lamang ang pagkanta at pagsasayaw.
Lahad niya, “Siguro po ‘yung experience ko po na maging independent, kasi alagang-alaga po ako sa bahay namin, eh.
“So the moment na tumira po kami sa Korea, I had to go through everything. ‘Yung paglalaba, paglilinis ng dorm namin, ng banyo, ganyan, lahat po ‘yun.
“Ako lang po ‘yung gumagawa, so siguro isa ‘yun po sa mga natutunan ko, independence.
“And ‘yung work ethics na rin po ng Korea, kasi kakaiba rin po ‘yung pagka-strict nila sa lahat ng bagay.”
At isa pang nadiskubre namin kay Chanty, nais niyang sundan ang mga yapak nina Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Megan Young, Kylie Versoza at iba pa. Oo, nais niyang maging beauty queen!
“Isa po ‘yun sa mga dream ko rin in the future.
“Hopefully yeah, matagal-tagal po siyang preparation, so yeah.”
Sa edad na 21, 5’7” heigh, magandang mukha at katawan, at talento sa pag-awit, pasadong-pasado si Chanty na maging beauty title-holder.
Sa ngayon pag-aartista muna ang hinaharap ni Chanty. Kasali siya sa main cast ng teen-oriented show ng GMA, ang MAKA.
Napapanood tuwing Sabado, 4:45 p.m. nasa MAKA rin sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, at iba pang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, at May Ann Basa na kilala rin bilang si Bangus Girl.
Bida rin sa serye si Romnick Sarmenta na kasama rin ang mga kapwa niya That’s Entertainment alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, at ang beteranang aktres na si Carmen Soriano, sa direksiyon ng best-selling author na si Rod Marmol.