Wednesday , November 12 2025
Mike Magat

Mike Magat gustong maidirehe si Coco

RATED R
ni Rommel Gonzales

FULL TIME na sa pagiging direktor ang aktor na si Mike Magat kaya natanong namin kung sinong artista ang nais niyang idirehe.

Si Liza Soberano,” mabilis niyang sagot.

Sa lalaki?

Actually lahat naman eh, gusto ko lahat idirehe,” at tumawa si Mike.

Pero may isang partikular na pangalan siyang binanggit.

 “Gusto kong idirehe si direk Coco Martin. Siyempre sikat si direk Coco Martin, kumbaga nagdidirehe na rin siya ngayon, pero nagkasama na kami.”

Naging artista na ni Coco si Mike sa Ang Probinsiyano dati.

Sa ‘Probinsiyano,’ tapos that time na ‘yun, si direk Coco, nagkasama rin kami sa mga ibang ano… sa show, minsan nagkasama kami.

“So magkakilala talaga kami ni direk Coco.

“Kaya iyon, sa ngayon… hindi naman sa pag-aano, gusto ko rin siyang idirehe pagdating ng panahon, ‘pag ‘yung gusto niyang magpa-direhe sa akin,” at muling natawa si Mike.

Kasi ngayon siyempre sobrang busy niya, at hindi mo alam kung kailan ka niya…kailan mo siya maididirehe.”

At pareho sila na idinidirehe ang sarili nila.

Oo. Ang mahalaga rito, ano eh, masaya kami, passion namin ‘yung ganyan eh, kahit umaarte kami, nagdidirehe rin kami. 

“Pinaka-importante sa showbiz iyon, sa industry, na huwag kang matakot.

“Iyan katulad nga ni direk Coco, unti-unti nakita ko rin siya kung paano siya nagsikap, nagsimula sa baba at seryoso. Nakita ko rin noon, that time na ‘yun, parang nakikita ko sa kanya, na sabi ko nga, talagang magtutuloy-tuloy ang kanyang pagsikat, dahil very strict. ‘Pag acting, acting, shooting, shooting, at saka talagang inaayos niya lahat.”

Si Mike ang direktor ng Seven Days na siya rin ang bidang artista.

Leading lady niya rito si Mrs.Tourism World Philippines-Japan 2021 na si Catherine Yogi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …