Friday , April 18 2025

Rider gumewang, sa plant box sumalpok tigok

031124 Hataw Frontpage

ni Almar Danguilan

INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridadang pagkamatay

ng isang rider na sinabing nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at nagpagewang-gewang hanggang sumalpok sa sementadong plant box sa isang center island sa Quezon City nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Glen Ver Osted Plaza, alyas Dong, 30 anyos, residente sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 6, bandang 12:30 am kahapon, Linggo 10 Marso, nangyari ang insidente sa Mindanao Ave., southbound tunnel sa Brgy. Talipapa.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Romeo Birog, Jr., ng Traffic Sector 6, sakay ng Yamaha Sniper Motorcycle, may plakang 7096-RN, binabaybay ng biktima ang Mindanao Ave., mula North Luzon Expressway (NLEX) patungong Tandang Sora Ave.

Ngunit pagdating sa Mindanao Ave., southbound tunnel, nakitang nagpagewang-gewang ang motorsiklo ng biktima hanggang sumalpok sa konkretong plant box sa center island.

Sa lakas ng hampas ay tumilapon ang biktima  na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay. 

Sa mga social media post ng kanyang mga kaibigan, labis ang kanilang panghihinayang sa pagkamatay ng biktimang, anila’y mabait at matulungin.  (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …