Tuesday , September 17 2024
Angelica Jones Son

Anak ni Angelica Jones ayaw kilalanin ng padir

RATED R
ni Rommel Gonzales

PUNOMPUNO ng damdamin na ibinahagi ni Angelica Jones ang tungkol sa pinagdaanan niya at ng kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki na si Angelo.

Mula kasi nang isilang si Angelo ay never pa nitong nakaharap ang ama.

At dahil gaganap si Angelica bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas sa pelikulang Magic Hurts, naibuhos ni Angelica ang kanyang saloobin bilang isang ina.

“Noong sinabi sa akin ni direk kung gusto ko bang gawin itong movie na ‘to, sabi ko, ‘Direk, gusto ko ‘yung role ko, dahil marami pa akong luhang gustong ilabas. Marami pa akong pain at hurts na kailangang maghilom.’

“Baka sa Baguio baka totally maghilom ‘yung sugat,” sinabi ni Angelica.

Ang direktor ng pelikula ay si Gabby Ramos at sa Baguio at Benguet kukunan ang kabuuuan ng pelikula. 

Inihayag din ni Angelica na masama ang kanyang loob sa ama ng kanyang anak na ayaw umanong pirmahan ang birth certificate.

“’Yung birth certificate niya kasi nawala noong pandemic. So, until now, wala pang birth certificate ‘yung anak ko, wala hong pirma niyong daddy niya.

“So kailangan ‘yung documents na affidavit na galing sa St. Luke’s na pirma ng dad niya, para makakuha ng passport para makaalis ‘yung anak niya.

“Plano naming pumunta ng Paris,” pahayag ni Angelica.

Ayon pa sa aktres, kinausap siya ng anak niya, na gusto nitong makilala ang kanyang ama. Gusto pa nga raw puntahan ng bata ang ama nito.

So ngayon, first time lang ng anak ko na nag-request na ‘Mommy, can we go to Batangas? After 10 years, ngayon ko lang kakausapin si Daddy…’

“And para roon sa kanyang birth certificate na dapat niyang pirmahan.

“Ang nakalulungkot nga excited na makita ng anak ko ‘yung dad niya, ano yun, as casual na parang civil… hindi siya humarap sa anak ko. HIndi rin niya pinirmahan.”

Basag na ang boses ni Angelica habang ikinukuwento na, “Ilang days na nakita ko ‘yung anak ko na nag-iiyak.

“Ang sabi niya sa akin, ‘Mommy, masama ba akong anak?’ Sabi ko, ‘Hindi.’

“‘Mommy, honor naman ako every year, naging mabuti naman akong anak.’

“Ang dami niyang award. Pero noong birthday, awards, medals, recognition, New Year, Christmas, kahit isang beses, hindi naalala ‘yung anak ko.

“Kahit ibinigay ko na ‘yung number ng dad niya sa kanya, para directly mag-text, even sa messenger, hindi rin siya sinasagot, binlock din siya ng daddy niya.”

Laking pasasalamat naman ni Angelica na kinilala naman ang kanyang anak ng mga lolo at lola nito na magulang ng ama ng kanyang anak, pero pumanaw na ang mga iyon.

“’Yung nagpuno talaga ng pagkukulang ng daddy ni Angelo ay ‘yung namatay na lolo’t lola, ‘yung parents ng father.

“Namatay ‘yung lola because of COVID. Kaya nalungkot ‘yung anak ko noong namatay ‘yung lolo’t lola kasi parang iyon ‘yung nagpuno sa pagkukulang ng anak nila.

“So noong nawala ‘yung lolo at lola, nawala na rin ‘yung say ng anak ko.

“Kasi noong nabubuhay pa ‘yung lolo’t lola, sila ‘yung nagpuno, sila ang naghahatid-sundo sa anak ko, sila ‘yung nagreregalo, sila ‘yung present sa mga birthday ng anak ko.

“Noong namatay ‘yung lolo’t lola, wala na yung naging daan para magkaroon ng communication ‘yung aking anak sa father niya.

“’Yung sa akin lang naman, may kanya-kanya na kaming buhay, at ten years na kaming naka-move on, masaya na kami sa kanya-kanyang buhay.

“Ang ikinalulungkot ko lang talaga, ‘yung rights ng anak ko, bilang isang anak na mabigyan ng moral support.

“Kahit anong mangyari, anak niya ito, eh.

“At saka nakadudurog pala, ‘no, na akala mo okay na sasabihan ako ng anak ko na ang hirap pala ‘pag walang tatay ang anak.

“Ang hirap pala na kahit ang daming award na sasabihin ng anak ko na… binu-bully kasi siya sa school. Na sinasabi sa anak ko na honor, matalino, tapos wala siyang daddy, tapos busy ako, kasi ako nagtatrabaho.”

Idiniin pa ni Angelica na hindi siya humihingi ng sustento mula sa ama ng kanyang anak.

Napalaki naman niya nang maayos ang anak at ang tanging hiling niya ay ibigay ang pangalan nito sa kanyang anak at pirmahan ang birth certificate.

Dapat pa raw ipagmalaki ng ama ang kanyang anak dahil napakatalino nito at talented pa.

Kasi honor student ang anak ko. English-speaking pa ‘yan… buti hindi nagmana sa akin.

“Open-minded naman ‘yung anak ko. Ipinapakita ko sa anak ko na puwede naman kami maging masaya.

“Sanay naman na binuhay ko siya na ako lang mag-isa, na ako ang tatay at nanay.

“Ako po ‘yung taong very strong ‘yung personality. Masaya. Gusto ko ‘yung positive.

“But deep inside sa likod ng camera, ang isang Angelica Jones, may malalim na sugat,” punumpuno ng emosyon na  pahayag ni Angelica.

Bukas ang pahayagang ito sa pahayag ng tinutukoy ni Angelica na ama ng kanyang anak. 

Samantala bukod kina Angelica at Beaver kasama rin nila sa pelikula sina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Dennis Padilla, Ricardo Cepeda, Archie Adamos, Panteen Palanca, Whitney Tyson, Blumark Roces, Aileen Papin, Quia Barretto, Dennah Bautista, at Cassie Kim.

About Rommel Gonzales

Check Also

Magic Voyz 2

Magic Voyz pinainit ang gabi sa kanilang grand launching

ni Allan Sancon IPINAKILALA ang bagong sexy boy group na Magic Voyzna sina Jhon Mark Marcia, Jace …

Magic Voyz

Johan at Jace ng Magic Voyz agaw-eksena sa 24K Magic at Maybe This Time

RATED Rni Rommel Gonzales SULIT ang paghihintay sa pagsampa ng Magic Voyz sa stage ng Viva Café …

JD Aguas Angela Morena Angelica Hart Albie Casino

JD Aguas G maghubad makapag-artista lang

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKI ang pagkakahawig ng Vivamax actor na si JD Aguas sa young actor na si Nash …

Angelica Yulo Ai Ai delas Alas

Ai Ai susuportahan live selling ni Angelica

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS mag-post ng mensahe si Ai Ai delas Alas sa social media …

Iza kakaiba ang pakiramdam ngayong ina na — my life has bloomed into even more 

MA at PAni Rommel Placente RAMDAM na ramdam ni Iza Calzado ang fulfillment bilang isang misis at …