Friday , June 2 2023
PNP Rank 7 MWP inaresto, 2 pulis Laguna pinarangalan

Rank 7 MWP inaresto, 2 pulis Laguna pinarangalan

SA PAGKAKADAKIP sa rank no. 7 most wanted person (MWP) ng lalawigan ng Laguna, binigyan ng Medalya ng Papuri (PNP Commendation Medal) bilang pagkilala sina P/SMSgt. Mark Vallian Rey at P/SSg. Mark Anthony Panit sa flag raising ceremony nitong Lunes, 21 Nobyembre, sa Camp Gen. Paciano Rizal, Sta. Cruz, Laguna.

Ang komendasyon sa dalawang pulis ay alinsunod sa mga probisyon ng Seksyon 2 (j) at 7 (d) ng Memorandum Circular No. 2006-03 na sinususugan ng Memorandum Circular No. 2006-03 ng NAPALCOM , bilang pagpapatuloy ng Seksyon 14 (m) at 69.

Ginawaran ng pagkilala ang dalawang pulis dahil sa pagpapakita ng huwarang kahusayan, katapatan, at dedikasyon sa tungkulin bilang mga miyembro ng Lumban MPS para sa matagumpay na pagsasagawa ng mga operasyon ng pulisya laban sa isang wanted person noong 17 Oktubre sa Brgy. Lumot, Calauan, Laguna na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Danilo Blasco sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mary Jane T. Cajandab ng Sta. Cruz RTC Branch 26 sa kasong Acts of Lasciviousness.

Ipinagkaloob ni P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO ang mga medalya kasama si P/Lt. Co. Armie Agbuya at P/Lt. Col. Elmer Bao sa programang ginanap sa Camp Gen. Paciano Rizal. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …