Wednesday , October 5 2022
Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila ang 170 gramo ng hinihinalang ilegal na droga sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal.

Sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mukarsa Majindie, high value individual; Juhar Jailani, Randy Serrano, Maria Iya Aldana, Robert John Baradi, at Jerome Lim, mga residente ng Almaje St., Avatex, Brgy. San Jose, sa nabanggit na bayan.

Dakong 1:45 am nitong Linggo, 7 Agosto, nang isagawa ng mga operatiba ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakasukol sa mga suspek.

Nakompiska ng mga tauhan ni Custudio sa mga pinaniniwalang tulak ang 20 transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na 170 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1,156,000; P7,000 boodle money; P1,000 buy bust money; at shabu paraphernalia.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga suspek sa detention cell habang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

100422 Hataw Frontpage

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo …

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng …

Bulacan Recuers Luksang Parangal

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap …

Sta maria Bulacan Police PNP

Pusher na 67-anyos na lolo, kinalawit sa ibibiyaheng ‘bato’

KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng …