Friday , March 31 2023

Supresyon iwinasiwas,
PANGIL VS PRESS FREEDOM ‘ISINUNGAW’ NI MARCOS, JR.

062022 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

HINDI pa man opisyal na nakaluklok sa Palasyo ay ‘isinusungaw’ na ng incoming administration ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., ang ‘pangil’ laban sa mga mamamahayag na kritikal sa kanilang pamilya.

Sinibak kamakalawa bilang kolumnista ng Phil. Daily Inquirer ang ekonomista at UP professor emeritus Solita “Winnie” Monsod dahil sa umano’y conflict of interest.

Ang mga pitak ni Monsod ay naging kritikal kay Marcos, Jr.

Ayon kay Monsod sa kanyang “Get Real” column kamakalawa, sa ipinadalang mensahe ng PDI sa kanya via e-mail ay ipinabatid na magtatapos na ang 20 taon pagsusulat niya sa pahayagan at hanggang 30 Hunyo 2022 na lamang ang kanyang pitak.

Ikinatuwiran ng PDI, ang posisyon ni Monsod bilang board member sa Rappler ay conflict of interest sanhi ng pagiging karibal nila ng online news site.

Sinabi ni Monsod, ‘naintriga’ siya sa desisyon ng PDI management dahil nang imbitahan siyang magsulat sa PDI, 20 taon na ang nakararaan ay kolumnista rin siya sa broadsheet na BusinessWorld ngunit hindi ito naging hadlang para siya’y magsulat ng kanyang pitak sa PDI.

Paliwanag ni Monsod, public knowledge ang pag-upo niya bilang board member sa Rappler noong 2018 at itinuturing niya itong isang karangalan lalo na’t pinag-iinitan ng administrasyong Duterte gaya nang naranasan ng PDI noong administrasyong Estrada gayondin kay Duterte.

“I saw Rappler as a comrade in arms to PDI and not a competitor. I assumed PDI management felt the same, since at no time from 2018 to the present did PDI management take issue with my involvement with, or advocacy of, Rappler’s cause,” sabi ni Monsod.

Hindi aniya siya nagsulat para sa Rappler, wala rin siyang financial interest sa news outlet , maliban sa one share of stock na kalipikasyon upang maging board member.

“So Reader, we may ask: Why the sudden volte-face by PDI? And why, after more than 20 years of working together, does PDI not think that I rate a face-to-face discussion or a Zoom chat or a telephone chat, instead of an impersonal email? This is how we handled difficulties before,” giit niya.

Nauna rito’y tinanggal din ang programang “After the Fact” sa ABS-CBN News Channel (ANC) ni Christian Esguerra sanhi ng “prevailing political climate.”

Inianunsiyo ito ni Esguerra, isang anti-Marcos journalist, noong 30 Marso 2022 o mahigit isang buwan bago ang 2022 presidential elections.

“We hope our interviews have been helpful in guiding you towards the facts and not away from them. In this era of fake news, let the facts shine the light for you, let journalists help you, not the politicians, not the political operators, because disinformation brings only death and decay to democracy,” ani Esguerra sa kanyang exit message sa final episode ng programa.

Tinanggalan ng Kongreso ng prankisa ang ABS-CBN noong 2020 at kinondena ito ng iba’t ibang media institutions dahil sa ‘chilling effect’ na idinulot nito sa mga mamamahayag sa buong bansa.

Dahil sa pagsibak sa programa ni Esguerra, nag-tweet ang ABS-CBN chapter ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP): “The fight for press freedom starts at home.”

Kaugnay nito, nabatid sa source, may malapit na tauhan si Marcos, Jr., umano’y tumawag sa isang opisyal ng state-run media organization at inihayag ang disgusto sa reporter nito na kasama sa coverage sa katatapos na kampanya.

“Ayaw nila sa reporter na ito na mai-assign sa Malacañang para mag-cover kay Marcos Jr., dahil pinagduduhan nila na ibinabahagi raw sa kampo ni Robredo ang kanilang campaign schedule,” sabi ng source.

“May dahilan talagang kabahan ang media sa administrasyon ni Marcos Jr., kahit pa italaga nila sa puwesto ang ilang dating mga mamamahayag,” dagdag niya.

About Rose Novenario

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …