Saturday , July 19 2025
Wanted sa rape nasakote, 3 MWPs arestado sa Laguna

Wanted sa rape nasakote, 3 MWPs arestado sa Laguna

INIULAT ni Laguna PPO Director, P/Col. Rogarth Campo kay CALABARZON PNP Regional Director, P/BGen. Antonio Yarra ang pagkakadakip sa apat na most wanted person sa magkahiwalay na manhunt operation ng Laguna PNP, nitong Miyerkoles, 16 Marso.

Nadakip ng mga tauhan ng Pangil MPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Berlin Allan, Acting Chief of Police, kasama ang mga operatiba ng RID 4A RIT Laguna/Rizal ang suspek na kinilalang si Pablo Balleras, 64 anyos, magsasaka, rank 13 most wanted person ng PRO-4A PNP, sa San Isidro, Brgy. Balian, Pangil, sa bisa ng warrant of arrest para sa limang bilang ng kasong Acts of Lasciviousness, may inirekomendang piyansang P200,000, inisyu ng Branch 33 ng RTC Siniloan.

Samantala, nasakote ng Famy MPS sa pamumuno ni P/Capt. Abelardo Jarabejo III, Acting Chief of Police, ang suspek na kinilalang si Dexter Salisi, 39 anyos, top 5 MWP ng Laguna PPO, sa Brgy. Salang Bato, Famy, sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5 (b) ng RA 7610, na inisyu ni Presiding Judge Marlyn Reyes- Agama, ng Siniloan RTC Branch 33, may inirekomendang fixed bail na P100,000.

Naaresto rin ng Calamba CPS sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col Arnel Pagulayan, Chief of Police, ang suspek na kinilalang si Jude De Leon, 24 anyos, production operator, Rank 9 MWP ng Calamba CPS, sa Brgy. Real, Calamba, sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Anti-Violence against Women and Their Children Act of 2004 (VAWC Act) na inisyu ni Presiding Judge Ave Zurbito-Alba ng Family Court Branch 8, Calamba City RTC, may inirekomendang piyansang P72,000.

Sa hiwalay na operasyon ng Calamba CPS, nasukol rin ang isang 41-anyos tricycle driver na kinilalang si Arceles Resurreccion, Rank 3 MWP ng Calamba CPS, sa Brgy. Paciano Rizal, Calamba, sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 Article II Section. 12 (Possession of Equipment, Instrument, Apparatus and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs) na inisyu ng Calamba City RTC Branch 104.

Dinala ang mga naarestong MWP sa kani-kanilang himpilan ng pulisya para sa booking procedure habang inihahanda ang ulat para sa pagbabalik ng warrant of arrest sa nag-isyung hukuman.

Pahayag ni P/Col. Campo, “Patuloy naming ipinipilit ang aming kampanya na puksain ang lahat ng uri ng kriminalidad kabilang ang pagpapaigting ng manhunt operations laban sa mga wanted na tao sa loob ng lalawigan.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

071825 Hataw Frontpage

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng …

Antonio Carpio SC Supreme Court

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon …

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod …

Batangas Money

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas …

BBM Bongbong Marcos BFP

Para sa State of the Nation Address
MGA BOMBERO KATUWANG SA SEGURIDAD NI PBBM

MAGIGING bahagi ang Bureau of Fire Protection (BFP) para magbigay seguridad  sa ika-4 na State …