Monday , August 8 2022

Kano natagpuang patay sa nirerentahang kuwarto sa Kyusi

NATAGPUANG patay ang 55-anyos Amerikano sa loob ng kaniyang inuupahang silid sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, nitong Linggo ng umaga.

May umaagos pang dugo mula sa bibig nang madiskubre ang bangkay ni William John Messerich, 55, American National, US pensioner at nangungupahan sa No. 89 Republic Avenue, Barangay Holy Spirit, QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 8:30 am nitong 28 Nobyembre, nang madiskubre ang bangkay ng dayuhan sa loob ng kaniyang silid sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Juderick Latao ng QCPD Holy Spirit Police Station 14, ang bangkay ng biktima ay nadiskubre ng kaniyang landlady na si Milagros Ulita, 64 anyos, na agad humingi ng saklolo sa kanilang mga opisyal ng barangay.

Agad nagresponde ang barangay police na si Rogelio Muit, at nang makita ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa kaniyang kama at may umaagos pang dugo sa bibig ay inireport sa mga awtoridad.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima ng kaniyang landlady na umiinom ng alak mag-isa sa loob ng silid nito bandang 4:00 pm nitong 27 Nobyembre.

Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng nasabing insidente. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

080522 Hataw Frontpage

Sa GenSan
6 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN 

ANIM katao ang namatay habang pito ang sugatan sa naganap na banggaan ng tatlong sasakyan …

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

Kelot tumalon sa NAIA duguan pero nabuhay

GRABENG napinsala pero nakaligtas sa kamatayan ang isang 26-anyos lalaki nang tangkaing magpakamatay sa pamamagitan …

Alcatraz Prison

Mala-Alcatraz na kulungan, itatayo para sa heinous crime convicts

MAGTATAYO ng mala-Alcatraz na pasilidad para sa bilanggong nahatulan sa heinous crimes, gaya ng murder, …

shabu drug arrest

3 bigtime tulak nalambat sa Pampanga

NAPIGIL ng pulisya sa lalawigan ng Pampanga ang pagkalat ng milyong pisong halaga ng ilegal …

Bulacan Police PNP

Alyas Waway timbog sa pagtutulak ng shabu 14 kalaboso sa Bulacan

NAHULOG sa mga kamay ng batas ang isang matinik na tulak sa isinagawang operasyon ng …