Monday , August 15 2022

General, sarili nabaril sa QCPD firing range

SUGATAN ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos maputukan ang hita nang isuksok niya sa holster ang kanyang baril sa firing range sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si P/MGen. Rolando Hinanay, 55 anyos, hepe ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) sa Camp Crame, at residente sa Alfredo St., Camp Crame, QC.

Sa report kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Antonio Yarra, bandang 2:35 pm nitong  7 Nobyembre, nang maganap ang insidente sa Second Bay, QCPD Firing Range sa Camp Karingal, Sikatuna Village sa lungsod.

Dakong10: 45 am nang dumating ang heneral kasama ang pamilya at mga kaibigan sa firing range bilang bahagi ng selebrasyon sa kaarawan ng anak na si Gabriel Hinanay.

Inasistihan ng range assistant na si Ronel Alcones si Hinanay habang hawak ang kaniyang sariling baril na Glock 9MM Gen. 5, nang bumaril sa target boards. 

Pero nang mabilis na isinuksok ng heneral sa kanyang holster ang baril ay aksidenteng pumutok ito at tinamaan ang kanyang kanang hita.

Agad na isinugod ang PNP official sa Saint Luke’s Medical Center upang lapatan ng pang-unang lunas. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon

BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan …

arrest posas

Kumagat sa pain
TULAK TUWING MADALING ARAW TIMBOG SA PARAK

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

prison rape

Lolong manyakis naihoyo sa Zambales

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt …

Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den …

Road Expressway

Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 

INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama …