Monday , December 9 2024
shabu

P1.3-M shabu nakompiska sa 2 drug pushers

MAHIGIT sa P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakompiska ng mga awtoridad ng Quezon City Police District (QCPD) mula sa dalawang drug pushers na naaresto  sa isang buy bust operation sa Brgy. Batasan, Quezon City kamakalawa.

Sa ulat kay QCPD Director P/BGen. Antoinio Yarra mula  kay P/LtCol. Imelda Reyes, Station Commander ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9 (PS-9), ang mga naarestong ay kinilalang sina Oden Dirindigen, 42 anyos, at residente sa A. Bonifacio Ave., Brgy. Barangka, Marikina City; at Jocelyn Salundagit, 48, ng Zone 6, Ampid St., San Mateo, Rizal.

Nadakip ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS-9 at District Drug Enforcement Unit (DDEU) dakong 4:00 pm sa isang buy bust operation na isinagawa sa Kalayaan B, Commonwealth Avenue, Brgy. Batasan, Quezon City, sa koordinasyon sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR).

Isang undercover cop ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P190,000 halaga ng hinihinalang shabu ay agad nang inaresto ang mga suspek.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000, buy bust money, at isang cellular phone na ginamit sa drug transactions.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165  (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

120924 Hataw Frontpage

Manong chavit nakisaya sa sumbingtik festival

CAINTA, RIZAL — Sa kabila ng paghahanda sa kanyang kampanya para sa bagong hamon sa …

Sara Duterte impeach PBBM Renato Reyes Sal Panelo Bato dela Rosa

Kahit hindi pabor si PBBM
‘IMPEACH SARA’  SCRIPTED — PANELO

NANINIWALA si dating Presidential Spokesperson, Atty. Salvador “Sal” Panelo, ‘scripted’ ang inihain na impeachment case …

Sa bahagi ng Bulacan KOTSE NAGLIYAB SA NLEX

Sa bahagi ng Bulacan
KOTSE NAGLIYAB SA NLEX

ISANG kotse ang nasunog sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEx) Viaduct area malapit …

Gusi Peace Prize

Gusi Peace Prize 2024: Honoring Global Changemakers Across Diverse Fields

THE Gusi Peace Prize, often regarded as the “Asian Nobel Peace Prize,” celebrated its 37th …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *