Wednesday , December 11 2024

‘Troll prexy’ iluluklok sa 2022 — Solon (Pera ni Juan gagamitin)

ni ROSE NOVENARIO

NAIS ng tatlong progresibong mambabatas na mahubaran ng maskara ang isang opisyal ng administrasyong Duterte na ginagamit ang pera ni Juan dela Cruz para tustusan ang troll farms na magluluklok ng “troll president” sa 2022.

Batay sa House Resolution No. 1900, hiniling nina Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite, at Eufemia Cullamat na imbestigahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang expose ni Senator Panfilo Lacson na isang undersecretary ang ginagastos ang pondo ng bayan sa pag-oorganisa ng dalawang troll farms kada probinsiya para sa 2022 presidential elections.

Ang trolls ay mga taong nag-uumpisa ng away sa internet o “mga taong nakikisali sa usapan ng may usapan sa internet at nagpo-post ng mga hindi kaaya-aya upang makakuha ng atensiyon o makapanakit ng ibang tao.”

Ayon sa HR 1900, ang troll farm o troll factory ay isang grupo ng internet trolls na nakikialam sa political opinions at decision-making.

“If public time and resources are involved, these are not just wasting taxpayers’ money but even criminal acts just to malign and harass anyone who criticizes the Duterte administration,” sabi ni Zarate sa isang kalatas.

Nagbabala ang mambabatas na lubhang mapanganib ang troll farms sa demokrasya lalo na’t malapit na ang halalan dahil puwede silang lumikha ng “false clamor for a fake presidential candidate.”

“We would have a troll president and we definitely do not want that,” ani Zarate.

Nauna rito’y hiniling niya kay Lacson na pangalanan ang undersecretary na operator ng troll farms.

Sa isinagawang pag-aaral ng University of Oxford,  noong 2017 ay natuklasan na $200,000 o P10 milyon ang ginugol para upahan ang trolls na magkakalat ng propaganda pabor kay Pangulong Rodrigo Duterte para batikusin ang oposisyon.

Ang nasabing pag-aaral ay may titulong “Troops, trolls and troublemakers: A global inventory of organized social media manipulation” na tumalakay kung paanong ang political parties at mga kandidato sa 28 bansa ay nagpakawala ng ‘cyber troops’ na gumamit ng iba’t ibang “strategies, trolls, and techniques” upang humubog ng public opinion.

Kabilang sa research ang mga bansang Argentina, Azerbaijan, Australia, Bahrain, Brazil, China, the Czech Republic, Ecuador, Germany, India, Iran, Israel, Mexico, North Korea,  Philippines, Poland, Russia, Saudi Arabia, Serbia, South Korea, Syria, Taiwan, Turkey, Ukraine, the United Kingdom, the United States, Venezuela at Vietnam.

Batay sa nasabing pag-aaral, ang 400 hanggang 500 cyber troops ng pangkat ni Duterte ay nagpo-post ng mga makabayan at pro-government comments at nakikipagsagutan sa mga kumokontra sa kanila sa pamamagitan ng harassment at individual targeting gaya ng “verbal abuse, hate speech, discrimination and/or trolling against the values, beliefs or identity of a user or a group of users online.”

Winalis ng Facebook ang army of trolls ni Duterte noong Setyembre 2020 na nakabase sa Filipinas at China na ikinagalit ng Pangulo ngunit hindi naman natuloy ang banta niyang ipagbabawal sa bansa ang operasyon nito.

About Rose Novenario

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *