Thursday , September 12 2024

2 rookie cops pinosasan ng mga kabaro sa target shooting

HINDI inakala ng dalawang bagitong pulis na ang ginawang target shooting ay magdudulot ng masamang pangitain sa kanilang buhay nang pagdadakmain at posasan ng mga kabaro sa Santor River, bayan ng Gabaldon, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 17 Abril.

Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang mga rookie cop na sina P/Cpl. Lawrence Natividad, nakadestino sa Manila Police District (MPD) Moriones PCP, at Patrolman Rhipidim Orosco, miyembro ng National Capital Regional Office (NCRPO), na nakatakdang sampahan ng kasong administratibo at kriminal.

Batay sa ulat ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, inireport ang mga suspek ni Kapitan Isagani Sibayan ng Brgy. Calabasa sa headquarters ng Gabaldon Municipal Police Station, sanhi ng ginawang pagpaputok ng kanilang mga baril na walang matinong dahilan sa Santor River, na bahagi ng kinasasakupang lugar ng Kapitan.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa custodial facility ng Gabaldon MPS matapos disarmahan para isailalim sa paraffin test sa Nueva Ecija Crime laboratory.

“We will not condone this misdemeanor and appropriate charges will be filed against them, both administrative and criminal, if warrants. Disciplining and dismissing erring police personnel shows efforts of the PNP in removing bad eggs in the police force in line of PNP’s internal cleansing program, and that the rule of law does not distinguish rank, position, or popularity whether victims or respondent in the PNP organization. This is a clear manifestation of our keen determination to remove misfits among the ranks of our organization,” pahayag ni P/BGen. De Leon.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *