PERSONAL na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang tagapagsalita at panauhing pandalangal kasama sina Senador Christopher “Bong” Go at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang pagpapasinaya sa
18-kilometrong section opening ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) project phase 1, nitong Huwebes ng hapon, 15 Hulyo sa Rio Chico viaduct, sa bayan ng La Paz, lalawigan ng Tarlac.
Dumalo si Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, PRO3-PNP Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon, Tarlac Governor Susan Yap, Tarlac City Mayor Cristy Angeles, at iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Labis na pinasasalamatan ni Pangulong Duterte ang Japan International Cooperation Agency (JICA) sa pagkakaloob ng pondo upang maisakatuparan ang naturang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program.
Aniya, malaking kaginhawaan ang idudulot ng proyekto sa pagpapaikli ng oras ng biyahe ng mga motorista mula Tarlac patungong Nueva Ecija. (RAUL SUSCANO)
Check Also
‘High sa droga’ nagpaulan ng bala; 3 todas, 1 sugatan
PATAY ang tatlo katao habang sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin ng isang lalaking pinaniniwalaang …
Dinukot sa Makati
KOREANO NASAGIP SA BATANGAS
MATAGUMPAY na nailigtas ng mga awtoridad ang isang Korean national sa Brgy. Mayasang, bayan ng …
Drug den sa Bulacan binaklas ng PDEA Maintainer, 2 pa tiklo
WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan Provincial Office ang isang …
Sa FPJ Panday Bayanihan: Interes ng tanod unahin
PARA sa mga tagapagtaguyod ng FPJ Panday Bayanihan partylist group, higit na angkop isulong ng …
Rodante Marcoleta Emphasizes Transparency, Accountability, and Strategic Reforms in Governance
Senatorial candidate and Partylist Representative Rodante Marcoleta shared his views on critical national issues during …