Sunday , March 16 2025

No plastic bag sa QC simula na

SIMULA ngayong Marso 1, bawal na ang plastik sa QC sa pagsisimula ng ipatutupad na plastic bag ban, personal na nama­hagi si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng mga bayong at ecobag sa mga mamimili sa Galas, Muñoz, Suki, A. Bonifacio, Frisco at Kamuning markets sa lungsod.

Si Belmonte kasama si Environmental Protection and Waste Management Department head Andrea Villaroman at kaniyang mga empleyado ay nagtungo sa mga nasabing palengke upang tiyakin na wala nang gagamit ng mga plastic bag sa hanay na mga mamimili at mga tindera at tindero sa lungsod.

Ang isinagawang aktibidad ay magsisilbing kick-off event kaugnay sa implementasyon ng Plastic Bag Ban Ordinance ngayong 1 Marso 2021, kasabay ng selebrasyon ng Quezon City sa Women’s Month na hinihikayat ang tungkulin ng mga kababaihan na proteksiyonan ang kapaligiran at kalikasan.

Sa ilalim ng Kababaihan Para sa Kalikasan movement na may temang “Babae: Tayo ang Pagbabago,” ay hinihimok ang mga households na maging ro-active at maging mga katalista o makiisa sa mga pagbabago sa kanilang komunidad.

“We suspended the implementation of the ordinance during the pandemic para hindi po makadagdag sa uncertainty, but now we can manage the pandemic better so itinuloy na natin. Alam naman natin na plastics are one of the greatest polluters of our oceans and bodies of water, clogs our waste streams and pose health risks,” pahayag ng QC Mayor.

Sa ilalim ng ordinansa, ang mga supermarkets, malls, shopping centers, fastfood restaurants at iba pang businesses na lalabag sa ban ay pagmumultahin ng P1,000 sa first offense, P3,000 at revocation ng environmental clearance sa second offense habang sa third offense, ay revocation ng business permit at multang P5,000. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang …

031325 Hataw Frontpage

FPRRD ‘di biktima, kundi mga pinatay sa war on drugs — Solons

ni GERRY BALDO NANAWAGAN sa publiko ang dalawang lider ng Quad Committee ng Kamara kahapon, …

Robin Padilla Rodrigo Duterte Bong Go Philip Salvador

Robin mapanindigan kayang samahan si Digong?;  Ipe emosyonal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang nahahati ang showbiz world nang dahil sa mga …

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

BILANG tugon sa mga hamon na kinakaharap ng persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *