Thursday , June 1 2023
salary increase pay hike

Pope Francis kontra kay Sec. Dominguez — Imee (Santo Papa gusto rin ng debt moratoruim)

KABILANG si Pope Francis sa nananawagang ipagpaliban muna ng Filipinas ang pagbabayad sa mga pagkakautang nito bunsod ng kinakaharap na malaking problema na nararanasan ng taongbayan dahil sa COVID-19.

 

Ayon kay Marcos, hindi lamang ang Simbahang Katolika na pinamumunuan ni Pope Francis ang pabor sa debt moratorium kundi pati na rin ang mga mayayamang bansa at malalaking institusyon sa pagpapautang dahil sa nangyayaring pandaigdigang krisis.

 

Lumalabas na salungat o kontra sa paniniwala ni Secreatry Carlos Dominguez III ang posisyon ni Pope Francis hinggil sa usapin ng debt moratorium sa kabila ng malalang problema ng Filipinas sa COVID-19.

 

“Ang hinihingi lang natin ay i-delay ang pagbabayad ng ating utang.  Wala tayong susubain at hindi natin tatakasan ang ating obligasyon. Magbabayad din tayo. Hindi ba maintindihan ni Secretary Dominguez yan?!” pahayag ni Marcos.

 

Inilinaw ni Marcos na ang panawagan ng International Monetary Fund, World Bank at Asian Development Bank na magpatupad ng debt moratuium sa 75 bansang mahihirap ay kabilang ang Filipinas.

 

“Mismong si Pope Francis ang nagsabing sana ay makita nila sa kanilang mga puso na ipagpaliban muna ang utang o kung hindi man ay bawasan o tuluyang kalimutan na ang ipinahiram sa mahihirap na bansa,” ayon pa kay Marcos.

 

Idinagdag ni Marcos, mismong ang IMF ay naniniwala na may reputasyon ang ahensiya na magpatupad ng mahigpit na kondisyon sa mga bansa na humihiling ng moratorium.  Pero ngayon dahil sa sitwasyon, hiling lang ng IMF ay bayaran ang mga doktor at nars, at siguraduhin na maayos na gumagana ang health system, at kayang proteksiyonan higit sa lahat ang mga taong magkakasakit.

 

Binigyan diin ni Marcos na nakahanda siyang makipagpulong kay Dominguez at ipaliwang nang mabuti ang kanyang posisyon hinggil sa debt moratoruim at kung paano ito makatutulong sa bansa na kasalukuyang humaharap sa napakabigat na krisis dahil sa COVID-19. (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *