KAHIT mas matanda si Lovi Poe kina Marco Gumabao at Tony Labrusca ay hindi niya naramdaman na “ate” ang turing ng mga ito sa kanya.
“Hindi! Hindi! Alam mo, in fairness, hindi!
“Thank you sa kanila for not treating me as an ate! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
At nagkakaisa naman ang marami sa pagsasabing kahit sa hitsura ay hindi siya mukhang ate ng dalawang hunks.
“I’m so glad because when we were dubbing, sabi ko, ‘Oh, my gosh! In fairness…’ Ha! Ha! Ha!”
Wala raw awkwardness sa pagsasama-sama nina Lovi, Tony, at Marco sa pelikulang Hindi Tayo Pwede ni direk Joel Lamangan.
“So, I was so excited na mapanood iyon!
“They’re both very good. Super!
“Marami akong natutuhan kay Marco, kay Tony, kay direk Joel.
“Ang dami nilang nai-inject sa akin na nao-observe ko.
“Kasi, when I’m on set, one of the things I do is I learn from my co-actors as well.
“It’s a learning experience, everytime.”
Patuloy pa ni Lovi, ”Si Marco, he’s very brave when it comes to exploring certain emotions and level of intensity.
“Kasi ako, when I act, I’m sometimes very casual, and I’m aware of that, so sometimes I have to heighten my emotions even more sometimes.
“So, iyon, ‘yung learning to be brave about being… higher, like higher intensity.
“Kay Tony… iyong role kasi niya rito, marami akong na-observe sa kanya na iba-ibang nuances.
“Na minsan, hindi mo makikita sa isang pelikula.
“So, na-observe ko ang movements niya, how he delivers his emotions ‘pag magbibitaw ng linya.
“So, iyon, marami rin akong natutuhan kay Tony.”
Ano naman kaya ang naituro ni Lovi sa dalawa?
“I don’t know kasi kung ano iyong process nila as actors, eh.
“But medyo weird ako when I’m on set. Ha! Ha! Ha! Ha!
“I need my music. I have my music, nandoon ako sa sulok, nagsasalita akong mag-isa because that’s how I motivate myself.
“I say certain things that… siguro naririnig ni Direk, because naka-mic ako. Siya lang ang nakaririnig niyon.
“So, ‘yun ang weirdness ko sa set.”
Anong genre ng musika ang nakaka-motivate sa kanya?
“Iba’t iba po, eh. I have, like a playlist, ang title niya, ‘Scenes.’
“Siguro, ang pinaka-ginagamit ko na music, most of the time, alam ba ninyo iyong ‘Somewhere In Time?”
Theme song ito ng klasikong pelikulang may parehong titulo nina Christopher Reeve at Jane Seymour noong 1980.
“’The Piano,’ the instrumental. That one.
“Lalo na ‘pag drama ang scene. Iyong piano, umpisa pa lang niyo , naiiyak na ako.”
Unang beses mapapanood ni Lovi ang Hindi Tayo Pwede ngayong Martes, sa premiere night nito (March 3) sa SM Megamall Cinema 1.
“Excited ako na makita ng mga tao kung gaano kaganda ang story at ang pelikula na ito.
“Noong nagda-dub po kami ng movie, iyong assistant ko sa loob ng studio, umiiyak siya.
“At wala pang music ‘yun, hindi pa siya final, I was still dubbing… she was crying there sa studio.
“Even direk Joel, he’s so proud of this movie.
“He was sitting there while I was dubbing. Nanonood siya kung paano ko ida-dub.
“Kasi, ganoon siya ka-hands on sa movie. Na ipinakita pa niya, ‘O, Lovi, look at this scene.’
“Tapos, kami, umiiyak. Umiiyak na ako sa loob ng studio. Umiiyak iyong assistant ko, pati iyong nag-aano ng sound.
“So, that says a lot. Na hindi pa nga siya ipinakikita, snippets pa lang ng scenes, eh, talagang mararamdaman mo na ‘yung movie.”
Regular showing ng Hindi Tayo Pwede ay bukas, March 4.
Rated R
ni Rommel Gonzales