Tuesday , January 21 2025
arrest prison

Lider ng Limjoco robbery gang arestado

ARESTADO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang lider ng Limjoco robbery group, na responsable sa panghoholdap sa Cubao, Quezon City.

Sa ulat kay QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, ang suspek na si Mike Montero Limjoco alyas Dagul, 38, ng 85 13th A-venue, Brgy. Socorro, Cubao, ng lungsod, ay ina-resto ng QCPD Cubao Police Station 7, sa tulong ng Pangasinan Police Provincial Office, nitong 12 Hun-yo  2017, sa McArthur Highway, Umingan, Pangasinan.

Si Limjoco ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa PD 1866 (Illegal Possession of Firearms), na inisyu ni Judge Bernelito Bernaldes ng QCRTC Branch 97.

Sa rekord ng pulisya, ang Limjoco group ay binubuo ng magkaka-patid na limang lalaki at sangkot sa panghoholdap sa Quezon City simula noong 2009.

Kilala ang grupo bilang motorcycle-riding robbers.

Ang grupo ay sangkot din sa pagpatay, kabilang ang pagpaslang sa isang Chinese-Filipino businessman noong 2011, at isang vendor noong  2013 sa  Cubao.

Habang si Manny, kapatid ni Mike, ay nadakip noong Marso 2015 sa kanyang bahay sa Pangasinan dahil sa pagpaslang sa isang Chinese-Fi-lipino businessman. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Rodante Marcoleta

Rodante Marcoleta Emphasizes Transparency, Accountability, and Strategic Reforms in Governance

Senatorial candidate and Partylist Representative Rodante Marcoleta shared his views on critical national issues during …

Zaldy Co

Pagkasibak ni Rep. Zaldy Co bilang chairman ng House appropriations panel ikinatuwa ng netizens

MAYNILA – Tila ipinagbunyi ng mga netizen  ang pagkakatanggal ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy …

BingoPlus Sinulog Festival Cebu FEAT

Tara na sa Cebu with BingoPlus para sa Sinulog Festival!

Join the celebration of the grandest and most colorful festival in the Philippines, the Sinulog …

011625 Hataw Frontpage

Sa Sta. Mesa, Maynila
EDAD 5, 11, AT 16 ANYOS MAGKAKAPATID NA BABAE PATAY SA NATUPOK NA BAHAY

HATAW News Team HINDI nakaligtas sa kamatayanang tatlong magkakapatid na babae, edad 5, 11, at …

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *