Thursday , June 4 2026

DDS masusing iniimbestigahan ng NBI-DoJ

TUMANGGI munang ilahad ng Department of Justice (DoJ) ang development ng imbestigasyon kaugnay ng Davao death squad (DDS) at ang sinasabing partisipasyon dito ni presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte.

Una rito, kinompirma ni Acting DoJ Secretary Emmanuel Caparas, kasalukuyang nag-iimbestiga ang National Bureau of Investigation (NBI) death investigation division kung totoong may grupong DDS sa naturang lungsod.

“Yes, it’s in investigation stage,” ani Caparas.

Aniya, noong nakaraang taon hanggang ngayon ay nananatiling palaisipan o “urband legend” ang pagpatay sa hinihinalang mga kriminal sa Davao, na sinasabing ang DDS ang may kagagawan dito.

“Since it reached the DoJ, we take it seriously. It was brought to the DoJ’s attention last year and it remains in the radar. There are agencies looking into the allegations,” dagdag ni Caparas.

Ngunit tumanggi si Caparas na magbigay ng karagdagang impormasyon kaugnay ng nasabing isyu dahil kailangan pa niyang basahin ang report ng NBI.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …