Wednesday , December 11 2024

P480-M pondo ng Pasay nilaspag (Pangungurakot ni Vice Mayor Pesebre buking)

WALANG habas na nilapastangan ni Pasay City Vice Mayor Marlon Pesebre ang P480 milyong pondo ng taumbayan simula nang siya ay manungkulan noong 2010.

Ito ang pagbubulgar ni  Noel “Boyet” del Rosario, ang vice mayoralty runningmate ni Mayor Antonio Calixto, laban kay Pesebre na siya umanong nagwaldas sa halos  P.5 bilyon pondo ng Pasay City na alokasyon para sa office of the vice mayor kabilang ang may P18 milyong pasahod ng 100 ghost employees.

Si Pesebre mismo ang nagtalaga ng P80 milyon budget kada taon para sa kanya bilang vice mayor na siyang namumuno sa  city council.

“We are made to understand that the Vice Mayor may have impounded some P108 million through his reported ghost employees. But people are still looking for the bigger P372 million total allocation to Pesebre’s office for the last six years,” ani  del Rosario.

“There’s neither tangible nor visible project in the communities that were funded by his office,” dagdag ni  Del Rosario na desmayado kay Pesebre dahil walang maipakita ang vice mayor na accomplishment sa kanyang dalawang termino sa panungunkulan kompara sa  P70-millyong taunang  congressional allocation ni Rep. Emi Calixto-Rubiano na ginamit sa school buildings, drainage at flood control projects, road repairs, barangay halls, at iba pang mga proyekto.

“He had apparently spent everything at his disposal in ghost payrolls,” ani del Rosario.

Nauna nang naireport na nailusot ng  Pasay City Council ang payroll ng may  100 ghost employees na naging daan naman para maibulsa ni Pesebre ang halos P4.5 milyong pasuweldo para sa unang  quarter pa lamang ng kasalukuyang taon.

Nagkaroon umano ng conflict of interest si Pesebre nang kayang ipagpilitan ang sarili na maging chairman ng mga komite sa city council.  Ang vice mayor din ang pinuno ng Sangguniang Panglunsod na tumatalakay at nag-aapruba ng city budget kabilang ang budget ng city council.

Si Pesebre ang chairman ng mga komite sa  youth & sports, social welfare, local government, traffic management, pollution control, at poverty alleviation na may budget na halos  P18 milyon para sa  2016.

Base sa mga dokumento, lahat ng  100 contractual employees ay pinapirma ng special power of attorney na nagtatalaga at nagbibigay kapangyarihan sa isang empleyado ng  office of the Vice Mayor, isang  Henry F. dela Cruz, na kumolekta ng kanilang suweldo mula sa Pasay City treasurer’s Office simula Enero hanggang  Marso ngayong  taon.

Si Dela Cruz ay sinasabing malapit at mapagkakatiwalaang kaibigan at aide ng  Vice Mayor na direktang nagrereport kay Pesebre. May report na si Dela Cruz ang bagman ni  Pesebre,  tumatakbo bilang re-electionist si Pesebre para sa  May 9 polls.

Ipinapakita ng mga dokumento na may inconsistencies sa prima ng ilang contractual employees, kabilang sa kanila ang nakalista sa maraming komite.

“The irregularity is so brazen that it clearly points to Vice Mayor Pesebre as the one benefiting from that machination and conspiracy,” pahayag ng isang Pasay City official. “He made the six committees as his personal cash cow, a case for the Ombudsman to look into,” dagdag niya.

May kaparusahan ang sino mang opisyal na umabuso sa kanyang posisyon para sa sariling interes batay sa  batas na kasalukuyang umiral sa bansa.

About Hataw News Team

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *