Tuesday , February 7 2023

1 patay, 2 sugatan sa ratrat sa Kyusi

 PATAY ang isang lalaki habang dalawa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Sa ulat ni Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Eduardo Deobago, 25, ng Sta. Maria St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center.

Habang malubhang nasugatan sina Sammy Montas, 21, ng 150 Sta. Maria St., at Ernesto Baldoza, 60, ng Commonwealth Avenue, Brgy. Holy Spirit, kapwa nakaratay sa nabanggit na ospital.

Samantala, inilarawan ng mga saksi ang mga suspek na kapwa nakasuot ng bullcap, may taas na 5’1″ hanggang 5″3’, katamtaman ang pangangatawan, at kapwa rin nakasuot ng jacket.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagkatayo ang tatlong biktima sa harap ng isang vulcanizing shop sa Commonwealth Avenue, Brgy. Holy Spirit, dakong 11:30 p.m. nang lapitan sila ng mga suspek at sila ay pinagbabaril.

Pagkaraan ay kaswal na naglakad lamang palayo ang mga suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga salarin.

About Almar Danguilan

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank 8 most wanted person ng Nueva Ecija, huli sa Vale

NAGWAKAS ang pagtatago sa batas ng isang lalakingnakalistang rank no. 8 most wanted person (MWP) …

shabu drug arrest

Parokyano huli rin
2 BEBOT NA TULAK TIMBOG SA PARAK

SWAK sa kulungan ang dalawang babaeng tulak ng ilegal na droga, kasama ang kanilang parokyano …

Sim Cards

28-M SIM cards rehistrado na — DICT

KINOMPIRMA ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na hanggang …

Mental Health

Mental health offices sa SUCs mungkahi ng mambabatas

BUNSOD ng pagtaas ng kaso ng mental health issues sa mga mag-aaral na Filipino, itinutulak …

Money Bagman

Kapalaran ng MIC-MIF nasa ng economic managers ni Marcos

IGINIIT ni Senador Francis “Chiz” Escudero, nasa kamay ng economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos, …

Leave a Reply