Monday , December 9 2024

CCM extension sa 6 distrito gagawin ni Lim (Estudyante hindi na magkokomyut)

MAGKAKAROON na ng extension campus ang Universidad de Manila (dating City College of Manila o CCM) sa bawat distrito ng Maynila upang hindi na kailangan pang mamasahe ang mga nais mag-aral nang libre sa kolehiyo.

Ito, ayon sa nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo S. Lim, ang isa sa kanyang mga pangunahing plano sa oras na makabalik sa City Hall, matapos makatanggap ng mga reklamo sa dinaluhang caucus kamakailan ukol sa umano ay lumolobong bilang ng mga kabataan na ‘out-of-school’ o hindi na nakapag-aaral matapos maka-graduate sa high school, dahil umano sa limitadong bilang lamang ng mag-aaral ang tinatanggap sa CCM sa kasalukuyan.

Matatandaan nang itayo ni Lim ang CCM, layunin na bigyan ng pagkakataon ang mga ‘average’ o ordinaryong high school graduates na makapag-kolehiyo din nang libre dahil ang karaniwang tinatanggap sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na inabutan na ni Lim nang una siyang maging alkalde ay pawang honor o ‘above average’ students.

Idinagdag ni Lim na ang pagtatatag ng CCM ay iniutos ni Lim upang magbigay ng libreng college education para sa mga kabataan na nais magpatuloy sa kolehiyo ngunit walang perang pantustos sa pag-aaral, dahil naniniwala umano si Lim na tanging edukasyon lamang ang tunay na susi upang makaahon ang sinuman mula sa kahirapan.

Mula noon, libo-libong estudyante na ang nakapagtapos sa CCM at naging matagumpay na ‘professionals’ na hanggang ngayon ay patuloy na tumitingala at nagpapasalamat kay Lim kapag nakikita nila, dahil sa tulong na ibinigay upang makapagtapos sila ng kolehiyo nang libre.

Ayon kay Lim, plano niyang magtayo ng extension campuses ng CCM sa bawat distrito ng Maynila, upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming mag-aaral na gusto rin makapag-aral sa kolehiyo nang walang dapat bayaran.

Kapag mas malapit na sa mga residente ang nasabing extension campuses, hindi na umano dapat pang gumastos ang mga mag-aaral ng pasahe araw-araw at ang pera umano na nakalaan para sa pasahe ay maaari nang gamitin para sa iba pang pangangailangan ng pamilya, dagdag ni Lim.

About Hataw News Team

Check Also

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

120924 Hataw Frontpage

Manong chavit nakisaya sa sumbingtik festival

CAINTA, RIZAL — Sa kabila ng paghahanda sa kanyang kampanya para sa bagong hamon sa …

Sara Duterte impeach PBBM Renato Reyes Sal Panelo Bato dela Rosa

Kahit hindi pabor si PBBM
‘IMPEACH SARA’  SCRIPTED — PANELO

NANINIWALA si dating Presidential Spokesperson, Atty. Salvador “Sal” Panelo, ‘scripted’ ang inihain na impeachment case …

Sa bahagi ng Bulacan KOTSE NAGLIYAB SA NLEX

Sa bahagi ng Bulacan
KOTSE NAGLIYAB SA NLEX

ISANG kotse ang nasunog sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEx) Viaduct area malapit …

Gusi Peace Prize

Gusi Peace Prize 2024: Honoring Global Changemakers Across Diverse Fields

THE Gusi Peace Prize, often regarded as the “Asian Nobel Peace Prize,” celebrated its 37th …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *