Wednesday , December 11 2024

P.3-B shabu nasakote sa 3 intsik at 3 pinoy (Sa Pasay at QC)

UMABOT sa P.3 bilyon halaga ng shabu ang nasakote ng mga awtoridad mula sa tatlong Chinese national at tatlong Filipino sa magkakahiwalay na operasyon sa Pasay City at Quezon City.

Sa Pasay City kahapon ng umaga, nakompiska ng mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Unit (DAID-SOU) ng Southern Police District (SPD) ang 42 kilo ng high grade shabu na nagkakahalaga ng P210 milyon sa dalawang Chinese national at dalawang Filipino sa magkahiwalay na buy-bust operations.

Kinilala ni SPD Director, Chief Supt. Eusebio Mejos, ang mga suspek na sina Ann Liu, alyas Ana, Chinese national; at dalawang Filipino na sina Dante Pelanay, 40, at Walt Navarro, 39-anyos.

Unang naaresto ang tatlong nabanggit na mga suspek dakong 8 a.m. makaraan bentahan nila ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa parking lot ng Networld Hotel sa panulukan ng Roxas Boulevard Service Road at Perla St., sa nabanggit na lungsod.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang 10 malalaking plastic bag ng shabu na may tig-isang kilo ang timbang, at nakasilid sa isang itim na bag, gayondin ang P800,000 Budol money.

Nakompiska rin ng mga pulis ang bagong silver Toyota Vios, may conduction sticker na YS 1033, ginamit ng tatlong suspek sa pagbebenta ng droga.

Dinala na ang mga suspek sa SPD headquarters upang isailalim sa imbestigasyon.

Hindi pinaniwalaan ng mga pulis ang katuwiran ni Pelanay na inarkila lamang ang kanyang sasakyan ni Navarro dahil may susunduing babaeng Chinese sa Pampanga at ihahatid  sa Maynila.

Samantala, iniulat ni DAID-SOU chief, Supt. Lorenzo Trajano, nakompiska naman sa isa pang Chinese na si Shengli Cai, nasa hustong gulang, pansamantalang nanunuluyan sa 419 4/F Coty Plaza sa Ongpin St., Binondo, Maynula, ang 32 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P160 milyon sa parking lot ng Outback Steakhouse sa Macapagal Boulevard, EDSA Extension.

Sakay ang suspek sa green Mitsubishi Lancer (WFX-618) nang bentahan niya ng droga ang isang pulis, naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung magkakakilala at magkakasama sa illegal na gawain ang apat na mga suspek lalo na’t oras lang ang pagitan ng kanilang pagkakaaresto sa naturang operasyon.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kina Liu, Pelanay, Navarro at Cai sa Pasay Prosecutor’s Office.

Habang sa Quezon City kamakalawa ng gabi, arestado rin ang ang isang Chinese national at kasamang isang Filipino sa buy-bust operation nang pinagsanib na puwersa ng National Capital Regional Police Office, Regional Anti-Illegal Drugs (NCRPO-RAID) at Quezon City Police District (QCPD) Eastwood Police Station 12, at nakompiskahan ng 20 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P100 milyon kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Sa ulat nina Supt. Jeffrey Bilaro, hepe ng QCPD PS12, at Chief Insp. Roberto Razon, hepe ng RAID, kinilala ang mga nadakip na sina Jose Tan, 29, tubong Fujian, China, residente sa Meycauayan, Bulacan; at Rodel Tolica, 25, taga-Bukal, Tiaong, Quezon.

Ang dalawa ay nadakip dakong 11:25 p.m. nitong Lunes, Marso 21, sa E. Rodriguez Avenue., Eastwood City,  Brgy. Bagumbayan, Quezon City.

Ayon kay Razon, dinakip ang dalawa makaraan bentahan ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon, ang pulis na nagpanggap na buyer makaraan ang ilang linggong pagmamanman sa ilegal na aktibidades ni Tan.

Nang inspeksyonin ang dala nilang dalawang Toyota Fortuner (UKI 228) at (ZMW 887), nakuha sa loob ng dalawang sasakyan ang 18 kilo pang shabu na nakasupot nang tig-isang kilo.

Narekober din mula sa mga suspek ang P5 milyon marked money.

Jaja Garcia/Almar Danguilan

About Hataw News Team

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *