Thursday , June 4 2026

Dalagita na-gang rape sa likod ng school (Nagtapon ng basura)

GENERAL SANTOS CITY – Hinahanap na ng mga awtoridad ang tatlong lalaking gumahasa sa isang dalagita sa Glan, Sarangani Province.

Ayon sa report ng Glan PNP, ang tatlong mga suspek ay sakay ng motorsiklo.

Base sa impormasyon ng pulisya, habang nagtatapon ng basura ang biktima nang madaanan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Huminto ang motorsiklo at hiningi ng isa sa mga suspek ang cellphone number ng biktima at nang hindi ibigay ay sapilitang dinala ng mga salarin ang dalagita sa likurang bahagi ng paaralan at doon siya ay ginahasa.

Hindi nakasigaw ang 14-anyos biktima dahil binusalan ang kanyang bibig.

Sa pahayag ng biktima, isa lamang ang gumahasa sa kanya habang ang dalawang lalaki ang siyang humahawak sa kanyang kamay at paa habang hinahalay.

Nangyari ang insidente noong Disyembre 31, 2015 at nagsumbong sa kanyang magulang ang biktima isang araw pagkatapos ng pangyayari.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hindi kilala ng biktima ang naturang mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …