Tuesday , September 10 2024

Mag-asawang swindler arestado

ARESTADO sa mga elemento ng Manila Police District (MPD) ang mag-asawang swindler nang makatunog sa kanilang “modus operandi” ang negosyanteng kanilang biniktima, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Nakapiit ngayon sa MPD-Police Station 4 at nakatakdang sampahan ng kasong estafa thru swindling ang mga suspek na sina Walter Peckson, 41; at Susan Peckson, 29, kapwa ng 127 Ignacio St., Pasay City.

Ayon sa reklamo ni Bernie Escalona, 38, negosyante, ng 1869 Lardizabal Extension, Sampaloc, Maynila, dakong 11:30 a.m. nang dumating sa kanyang bahay ang mag-asawa at inalok siya na bilhin ang isang Ford Everest sa halagang P700,000.

Mistula aniyang matagal  na siyang kilala ng mga suspek at dahil sa matatamis na salita ay nakombinse ang biktima na bilhin ang sasakyan sa pamamagitan ng installment basis.

Hiningan siya ng mga suspek ng halagang P5,000 para sa sinasabing processing fee. Gayonman, bago tuluyang makaalis sa kanyang bahay ang mga suspek, namukhaan niya ang dalawa at nakilala na sila ang napanood sa telebisyon na inireklamo ng isang may-ari ng restaurant noong Agosto 21 sa Intramuros, Maynila.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang biktima at agad nakipag-ugnayan sa  Lacson Police Community Precint at nang dumating ang mga pulis ay ipinaaresto ang mag-asawa.

About Leonard Basilio

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

PNP PRO3

Talamak na mga tulak sa Nueva Ecija at Bulacan swak sa buybust serye

SA PATULOY na pagsisikap ng PRO3 PNP na puksain ang mga gawaing sangkot ang ilegal …

Philippines to Hong Kong HK, Plane Flight Path

70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China

MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *