Saturday , November 8 2025

DoLE D.O. 174 mahigpit na ipatutupad – Bello

TINIYAK ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III sa grupo ng mga manggagawa, mahigpit na ipatutupad ng Department of Labor and Employment (DoLE), ang bagong Department Order, na mahigpit na nagbabawal sa labor-only contracting, at iba pang uri ng ilegal na pangongontrata.

“Kahit na anong ganda ng order, kung sa implementas-yon e walang saysay, wala ring mangyayari riyan. Ito ang dahilan kaya ko kayo [grupo ng manggagawa] itatalaga bilang mga deputy na magsasagawa ng inspeksiyon sa iba’t ibang establisiyemento upang mabatid kung sila ay sumusunod sa bagong department order,” wika ni Bello sa isinagawang protesta ng mga manggagawa sa opisina ng DoLE sa Maynila.

Kaugnay nito, inatasan ni Bello si Undersecretary Joel Maglunsod, na pangasiwaan ang grupo ng labor compliance officers, at kinatawan mula sa grupo ng mga manggagawa at negosyante, upang magsagawa ng mga inspeksiyon sa higit kumulang 90,000 establishments, upang matiyak ang kanilang pagsu-nod sa umiiral na labor standards at batas.

“Ang mga inspection team ang direktang mag-uulat sa akin at kapag may napatuna-yang hindi sumusunod, tayo [DoLE] mismo ang pupunta at sasabihin natin na i-regular sila,” ayon kay Bello.

Nanindigan si Bello sa grupo ng mga manggagawa kaugnay sa pagpapalabas ng D.O. 174 noong nakaraang linggo, na tanging ang Kongreso lamang at hindi ang DoLE ang may kapangyarihang ipagbawal nang lubusan ang kontraktuwalisasyon.

“Ginawa namin ang D.O. upang tugunan ang hinaing ninyong mga manggagawa, ngunit ang lubusang pagbabawal ng lahat ng uri ng kontraktuwalisasyon ay hindi na saklaw ng aming kapangyarihan.

“Ang tungkuling iyon ay saklaw na ng batas sa Kongreso,” paliwanag pa ni Bello.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …

NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni …