Wednesday , November 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matobato nagpiyansa (Sa frustrated murder case)

KUSANG sumuko sa Manila Police District si Edgar Motabato, dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS), makaraan maglagak ng P200,000 piyansa sa Manila RTC, sa kasong frustrated murder sa Digos City, Davao Del Sur, kasalukuyang nananatili sa nasabing himpilan, habang hinihintay ang release order mula sa korte. (BONG SON)
KUSANG sumuko sa Manila Police District si Edgar Motabato, dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS), makaraan maglagak ng P200,000 piyansa sa Manila RTC, sa kasong frustrated murder sa Digos City, Davao Del Sur, kasalukuyang nananatili sa nasabing himpilan, habang hinihintay ang release order mula sa korte.
(BONG SON)

NAGLAGAK ng piyansa sa Manila Regional Trial Court (RTC), si self-confessed hitman Edgar Matobato, umaming miyembro ng Davao Death Squad (DDS), kahapon.

Ang paglalagak ng P200,000 piyansa ng akusado ay kasunod ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Carmellita Sarno-Davin, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 19, ng 11th Judicial Region Digos City, Davao del Sur.

Makaraan magpiyansa, nagtungo sa tanggapan ni Manila Police District director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, si Matobato kasama ang kanyang abogado, at ineskortan ng mga tauhan ni Supt. Jackson Tuliao.

Sa panayam, inamin ng kampo ni Matobato, minabuti nilang sa Manila court maglagak ng piyansa dahil sa paniniwalang magiging patas sa kanila ang mga awtoridad.

Makaraan ang pagharap sa media, agad isinalang sa booking process ng MPD si Matobato, gaya ng finger printing at pagkuha ng mugshot.

Kaugnay nito, inilinaw ni Coronel, habang wala pang release order na ipinalalabas si Judge Sarno-Davin, mananatili si Matobato sa kostudiya ng MPD warrant section.

Noong 2 Marso  2017, inisyu ni Judge Sarno-Davin ang warrant of arrest laban kay Matobato, at isang Atty. Norberto P. Sinsona, dahil sa kasong frustrated murder.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Zaldy Co Goitia

Goitia sa mga Pahayag ni Zaldy Co: “Part 2 na, Wala Pa Ring Matibay na Ebidensya”

Ang ikalawang video ni Rep. Zaldy Co ay halatang idinisenyo upang makalikha muli ng ingay. …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …

Vince Dizon PBBM Zaldy Co Ping Lacson

Akusasyon ni Co vs PBBM imposible — Lacson, Dizon

TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways …