Tuesday , November 29 2022

Bus sumalpok sa arko 4 patay, 40 sugatan

APAT ang patay habang umabot sa 40 pasahero ang sugatan makaraang bumangga ang isang Valisno bus sa arko ng boundary ng Caloocan at Quezon City sa Quirino Highway dakong 7:20 a.m. kahapon.

Sa ulat ni Sr. Insp. Marlon Meman, hepe ng QCPD Traffic Sector 2, isa sa apat biktima ay kinilalang si Eduardo Agabon, 39, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlo pang namatay kabilang ang isang babae.

Dalawa sa mga biktima ang namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente habang ang dalawa ay nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Tala Hospital sa Caloocan City.

Ayon kay Senior Insp. Meman, ang sangkot na bus ay may plakang TXU-715 na minamaneho ni George Paciz, at may rutang Tungko-Baclaran at patungong Tungko, San Jose Del Monte, Bulacan.

Mabilis na tinatahak ng bus ang Quirino Highway nang mawalan ng kontrol ang driver na si Paciz kaya bumangga sa malaking konkretong arko o boundary marker sa pagitan ng Caloocan City at Quezon City.

Samantala, bunsod ng insidente ay agad sinuspendi ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prankisa ng 62 unit ng Valisno Express Bus sa loob ng 30-araw.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, bukod sa pagsuspendi ay kokompiskahin din ang mga plaka ng Valisno bus at isasailalim sa seminar, drug test at pakukunin ng police at NBI clearance ang mga driver nito.

About Almar Danguilan

Check Also

duterte gun

DOH isali sa gov’t anti-drug campaign
HUSTISYA SA BIKTIMA NG EJKs SA DUTERTE DRUG WAR ISINUSULONG

HINDI dapat kalimutang bigyan ng hustisya ang libo-libong biktima ng patayan sa madugong drug war …

112922 Hataw Frontpage

 ‘Intel funds’ sa civilian agencies nais putulin ng Senador

IGINIIT ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang posibilidad na amyendahan ang Administrative Code …

shabu

 ‘Shabu’ pinalitan ng tawas tulak patay sa boga ng ‘suki’

ISANG hinihinalang kawatan at tulak ng ilegal na droga ang binaril at namatay sa katanghaliang …

itak gulok taga dugo blood

Kapitbahay nag-amok babae pinugutan, pamangkin tinaga

PATAY ang isang babae matapos pugutan ng ulo, habang sugatan ang kanyang pamangkin nang tagain …

Bulacan Police PNP

Wanted rapist nasakote
7 LAW VIOLATORS TIKLO

ARESTADO ang isang lalaking may kasong panggagahasa kasama ang iba pang indibidwal na pawang may …

Leave a Reply