Thursday , December 8 2022

Mag-utol na Fil-Indians itinumba sa canteen

DAGUPAN CITY – Kapwa patay ang magkapatid na Fil-Indians makaraan barilin sa loob mismo ng kantina na pag-aari ng kanilang ate sa lungsod ng Dagupan kamakalawa.

Ayon kay Supt. Cristopher Abrahano, hepe ng Dagupan City Police Station, kinilala ang mga biktimang sina San Jey Khatri, 30, at Rajesh Khatri, 35, residente ng Brgy. Bued sa bayan ng Calasiao.

Nagtungo ang dalawa sa kantina ng kanilang ate kasama ang kanilang ina para maghapunan nang biglang dumating ang dalawang hindi nakilalang mga suspek na nakasuot ng helmet at sila ay pinagbabaril.

Isinugod sa pagamutan ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival ang nakababatang Khatri, habang binawian ng buhay ang kapatid na nilalapatan ng lunas.

Negosyo ang isa sa tinututukang anggulo sa insidente lalo’t kapwa negosyante ang mga biktima.

About Hataw

Check Also

knife saksak

Pera pinagtalunan ng mag-asawa
BABAE KRITIKAL, MISTER PATAY SA SARILING SAKSAK

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaki matapos saksakin ang sarili habang sugatan ang kinakasama …

Covid-19

Sa Cagayan
154 ESTUDYANTE, GURO MAY SINTOMAS NG COVID-19 F2F CLASSES SUSPENDIDO

PANSAMANTALANG ipinassuspende ni Mayor Samuel Siddayao ng bayan ng Gattaran, sa lalawigan ng Cagayan, ang …

Riding-in-tandem

Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos …

Rodolfo Azurin Jr Sofronio Capitle Jr PNP

Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay

BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis …

MMDA, NCR, Metro Manila

MMDA clearing ops umarangakada na

MAHIGIT 30 sasakyan ang nahuli sa isinagawang clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Leave a Reply