Thursday , October 3 2024

‘Doktor’ tiklo sa sex video

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District Kamuning Police Station (PS10), ang nagpakilalang doktor, makaraang ireklamo ng 19- anyos dalaga dahil sa pag-upload ng kanilang sex video sa internet.

Kinilala ni Supt. Lemuel Obon, ang suspek na si Christian Betita, 29, re-sidente sa Old Balara.

Si Betita ay inaresto bunsod ng reklamo ng biktimang itinago sa pangalang Linda, kaugnay sa paglabag sa anti-cyber law.

Sa ulat ng pulisya, dakong 4 p.m. kahapon nadakip ang suspek sa isang entrapment operation sa  isang convenience store, kanto ng  Quezon Avenue at Don A. Roces Avenue, Bryg. Paligsa-han.

Ayon sa biktima, nakipagkita siya sa suspek dahil sa bantang  ikakalat ang kanilang sex video lalo’t nalaman niya mula sa mga kaibigan na napanood nila ang sex video sa internet.

Dagdag ng biktima, limang buwan palang ang kanyang relasyon sa suspek nang mag-18-anyos siya.

Pero bago ang pagkikita, nagtungo ang biktima kasama ang kaanak sa pulisya at humingi ng tulong kaya naisagawa ang entrapment.

Sa panig ng inakusahan, kanyang pinabula-anan ang akusasyon.

(Almar Danguilan)

About Almar Danguilan

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Converge Brgy S2S-Cebu, Matagumpay Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Brgy S2S – Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *