Saturday , June 6 2026

News

Sun Pharmaceutical Industries inilunsad Primary Care Division; CaRMeLin Portfolio pinasinayaan

Sun Pharmaceutical

OPISYAL na inilunsad ng Sun Pharmaceutical Industries—ang ikaapat na pinakamalaking specialty generic pharmaceutical company sa mundo—ang kanilangPrimary Care Divisionsa Pilipinas kasabay ng pagpapasinaya ng kanilang CaRMeLin Portfolio, na isang komprehensibong hanay ng gamot para sa Cardiometabolic, Renal, Liver, at Alimentary care. Dinaluhan ang scientific launch event ng ilan sa mga nangungunang Key Opinion Leaders sa bansa pagdating sa larangan ng internal medicine, cardiology, endocrinology, nephrology, at primary care—kaya’t maituturing …

Read More »

Sa harap ng anak
TINDERO NG TAHO, DEDO SA PAMAMARIL

San Jose del Monte CSJDM Police

Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Sitio Quarry, Barangay Minuyan Proper, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan kahapon ng umaga. Sa panimulang imbestigasyon ng mga tauhan ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), papasakay na sana ng tricycle ang biktima, na isang taho vendor nang paulanan ng bala ng …

Read More »

Scam hub sa Angeles City sinalakay, tatlong Tsino arestado

Bureau of Immigration BI National Bureau of Investigation NBI

TATLONG mamamayang Tsino ang naaresto sa pagsalakay sa isang pinaghihinalaang scam hub sa isang eksklusibong subdibisyon sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat, ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) Organized and Transnational Crimes Division at ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU). Natagpuan ng mga awtoridad ang tatlong …

Read More »

Abandunadong sasakyan na ginamit sa robbery natagpuan sa NLEX

Pulilan Bulacan PNP Police

NATAGPUAN ng mga awtoridad ang isang inabandonang sasakyan malapit sa NLEX exit sa Brgy. Tibag, patungo sa bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa ng hapon. Sa ulat mula kay PLt.Colonel Eric C. Cister, acting chief of police ng Pulilan Municipal Police Station (MPS), ang natagpuang sasakyan ay pinaghihinalaang may kaugnayan sa isang insidente ng robbery na naganap sa karatig na munisipalidad. …

Read More »

Sa pagsirit ng presyo sa Setyembre  
BIGAS MAY HALONG MAIS ILALARGA PARA MAKATIPID  
‘Bangungot’ ng Martial Law nauulit

043026 Hataw Frontpage

HATAW News Team SISIRIT hanggang P62 bawat kilo ang presyo ng bigas sa Setyembre, ayon kay Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel, Jr. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) Committee nitong Miyerkoles, tinanong ni Sen. Bam Aquino ang Department of Agriculture (DA) kung anong produktong agrikultura ang maaaring tumaas ang presyo …

Read More »

Recognition of Outstanding Filipino Innovation at NICE 2026

DOST TAPI IPOPHL

The Department of Science and Technology (DOST), under the leadership of Secretary Renato Solidum Jr., together with the Intellectual Property Office of the Philippines headed by Director General Atty. Teodoro Pascua and the Technology Application and Promotion Institute led by Director Atty. Marion Ivy D. Decena, proudly recognized outstanding Filipino inventors for their exemplary achievements in international innovation competitions. This …

Read More »

“Tugtog Taguig Himig sa Kapayapaan” tampok sa 439th Anibersaryo ng Taguig

Tugtog Taguig Himig sa Kapayapaan 439th Anibersaryo ng Taguig

PINANGUNAHAN ni Taguig City Mayor Lani Cayetano (ika-4 mula kaliwa, 1st row) ang pagbubukas ng Meeting of Styles Philippines, ang pinakamalaki at pinakamatagal na international graffiti event sa bansa, sa TLC Park sa Lower Bicutan noong Biyernes, 24 Abril 2026. Matapos ang seremonya, sinundan ito ng pagbubukas ng “Tugtog Taguig, Himig ng Kapayapaan” na nilahukan ng mga bantog na lokal …

Read More »

Sa sentro ng entertainment area ng QC
‘PINOY BUGSY’ INAMBUS TINODAS NG TANDEM

Pinoy Bugsy Ceferino Perry Mariano

HATAW News Team HINDI nakaligtas sa kamatayan kahit naitakbo pa sa ospital ang minsang tinaguriang ‘Pinoy Bugsy’ na si Ceferino (a.k.a. Perry) Mariano, 75 anyos, nang tambangan ng riding-in-tandem sa kanto ng Timog Avenue at EDSA, sa Quezon City, kahapon ng hapon, Martes, 28 Abril.          Ganoon din ang sinapit ng kanyang driver na si  Norberto Orimaco, 51, na una’y …

Read More »

Panawagan ng NWC
SAHOD ITAAS BUWIS IBABA WELGA ISULONG

Panawagan ng NWC SAHOD ITAAS BUWIS IBABA WELGA ISULONG

NAGBANTA ang sektor ng paggawa na ‘dadagundong sa lansangan ang libo-libong mga manggagawa’ na aarangkada sa sentrong kabiserang lungsod ng bansa at sa Kalakhang Maynila na magtutungo sa Mendiola, malapit sa pasilyo ng Malacañang, kontra krisis at kapabayaan ng gobyerno sa darating na Unang Araw ng Mayo para ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Sa isang pulong kahapon, muling nagkaisa …

Read More »

Suspetsa ni DSWD Sec. Rex Gatchalian
P1.3-B AYUDA NAIBIGAY SA GHOST MC TAXI RIDERS

Money Bagman

IBINUNYAG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian, ang malalaking diperensiya sa listahan ng mga motorcycle taxi (MC taxi) riders na nakalista bilang benepisyaryo ng ayuda ng pamahalaan — na maaaring magresulta sa maling pamamahagi ng bilyon-bilyong piso dahil sa sinabing ‘ghost riders’. Umigting ang isyu sa pagdinig ng House Committee on Transportation …

Read More »

SM Supermalls serves up summer action with Pickleball Trio Challenge and PBF Youth Cup
From fast-paced pickleball action to rising bowling stars, SM brings more ways to compete and connect

SM Pickleball and Bowling

Reinforcing its commitment to building active communities and developing the next generation of athletes, SM Supermalls is rolling out two exciting tournament experiences this season—the SM Active Hub Pickleball Trio Challenge and the first-ever PBF Youth Cup for aspiring bowlers. Double the action at SM—rally on the court, roll on the lanes, and enjoy a maxed-out experience built for competition, …

Read More »

Play, move, and chill at SM Supermalls this summer
Gather your crew for pickleball, runs, and refreshing coolers to beat the heat

SM Active Hub

This summer, your most-loved SM Supermalls turn up the energy with experiences designed for every kind of barkada. At the heart of it all is the SM Active Hub—a growing community of movers, players, and fitness enthusiasts—bringing together activities that let you truly Gala To The Max. Dive into Summer Play with the SM Active Hub The SM Active Hub …

Read More »

DOST recognizes Bauertek Farmaceutical Technologies for international achievements

DOST recognizes Bauertek Farmaceutical Technologies for international achievements

The Department of Science and Technology – Technology Application and Promotion Institute (DOST-TAPI) officially opened this year’s National Invention Contest and Exhibits (NICE), an annual platform that promotes and showcases Filipino innovations from across the country. One of the highlights of the event was the Stakeholders’ Recognition for International Inventors, which honored individuals and organizations that brought pride to the …

Read More »

Joel abala sa pag-aasikaso kapakanan ng manggagawa sa industriya

Joel Torre A Secret in Prague

HARD TALKni Pilar Mateo LATE dumating sa doble-pasabog grand launch ng TV5, si Joel Torre. Ang isa sa may mahalagang papel sa  pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil na A Secret in Prague. Nagsimulang umere kahapon, Lunes, 8:00 p.m.. Mula sa direksyon nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria. May misyon naman palang pinanggalingan ang premyadong aktor at matagumpay ding negosyante sa kanyang JTs Manukan Grille sa iba’t ibang parte …

Read More »

Umbagerong kelot ipinakulong ng live-in partner

arrest, posas, fingerprints

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng pananakit laban sa kaniyang live-in partner sa kanilang bahay sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng umaga, 26 Abril. Ayon sa ulat kay P/Lt. Col. Eric Cister, hepe ng Pulilan MPS, inireklamo ng 29-anyos biktima ang ginawang panununtok ng suspek na nagresulta sa pinsala sa kaniyang kaliwang …

Read More »

Sangkot sa carnapping, anti-fencing law
ONLINE SELLER ARESTADO

Arrest Posas Handcuff

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking sangkot sa kasong carnapping at paglabag sa anti-fencing law sa isinagawang follow-up at entrapment operation sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng hapon, 26 Abril. Sa ulat na isinumite ni P/Lt. Col. Nelson Sardin, hepe ng Pandi MPS, kinilala ang suspek na isang 25-anyos online …

Read More »

LRT-1 airconditioned waiting room bukas na – LRMC

LRT-1 air conditioned waiting room

BINUKSAN na ang kauna-unahang air-conditioned passenger waiting room sa Baclaran Station ng Light Rail Transit Line (LRT) 1 upang magbigay ng karagdagang ginhawa sa mga pasahero laban sa matinding init ng panahon, lalo na ngayong summer season. Inihayag ito ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), upang mas komportableng makapaghihintay ang mga pasahero partikular ang senior citizens, persons with special needs, …

Read More »

Sa Payatas
Laborer utas sa saksak

knife hand

BINAWIAN ng buhay ang isang construction worker matapos patraidor na saksakin sa Brgy. Payatas, lungsod Quezon nitong Linggo ng gabi, 26 Abril. Kinilala ang biktimang si Michael Bryan Napoles, 29 anyos, residente sa Lupang Pangako, sa nabanggit na barangay, at idineklarang dead on arrival nang isugod sa Rosario Maclang Hospital matapos ang insidente. Sa ulat mula sa Criminal Investigation and …

Read More »

2 nambutas ng gulong at namukpok ng baril sa salamin ng pick-up ‘target’ ng pulisya

SPD, Southern Police District

TARGET ng Southern Police District (SPD) ang dalawang lalaking ‘bida’ sa isang viral video na bumutas ng gulong at namukpok ng baril sa salamin ng isang Nissan Navara sa Taguig-Makati area, nitong Biyernes, 24 Abril. Matukoy ng SPD ang isa sa dalawang suspek habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa, na kapwa ipatatawag para imbestigahan dahil sa nakitang paglabag sa …

Read More »

Nagulungan ng 2 truck na kargado ng buhangin lady rider todas sa Ortigas

Dead Road Accident

PATAY ang isang 31-anyos babaeng rider nang magulungan ng isang 12-wheeler truck at isang dump truck sa Ortigas Flyover Southbound patungo sa direksiyon ng Meralco Avenue, sa lungsod ng Pasig, nitong Lunes ng gabi, 27 Abril. Pahayag ng driver ng 12-wheeler truck na may kargang buhangin, binabagtas niya ang kalsadang patungong Pasig mula Pampanga, nang makarinig siya ng kalabog. Nang …

Read More »

Noong tumakbong mayor
SINALAKAY NA KTV BAR HEADQUARTERS NI DEFENSOR

042826 Hataw Frontpage

HATAW News Desk INIHAYAG ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang kaugnayan ng dating mambabatas na si Mike Defensor sa sinalakay na Chicago KTV Bar at Bleu Hotel. Kasabay nito, binigyang-diin na ‘trabaho’ at walang halong politika ang inilunsad na operasyon. Sa kanilang surveillance, sinabi ni Matibag, ginamit na headquarters para sa ‘PR’ ni Defensor ang Chicago …

Read More »

Goitia Suporta kay Sec. Gibo Teodoro: Maninindigan Tayo

Goitia

Sa panahong nangangailangan ang bansa ng malinaw at matatag na tindig, binigyang-diin ni Secretary of National Defense Gilberto “Gibo” C. Teodoro Jr. na ang mga paratang na walang sapat na ebidensya ay walang puwang sa mga usaping pinamamahalaan ng pandaigdigang batas. Kasabay nito, iginiit niya ang pangangailangang ipagtanggol ng Pilipinas ang kanyang mga lehitimong karapatan. Sa pagtanggi sa alegasyon ng …

Read More »

Ninakaw na motorsiklo ipinatutubos sa may-ari kawatan tiklo sa Rizal

Motorcycle Hand

ARESTADO ang isang 25-anyos lalaki sa bayan ng Teresa, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado, 25 Abril, matapos singilin ang may-ari ng motorsiklong kaniyang ninakaw upang isauli ito. Sa imbestigasyon ng Antipolo CCPS, ipinarada ng biktima ang kaniyang motorsiklo sa harap ng kanila ng bahay sa Brgy. Dela Paz, sa nabanggit na lungsod, nitong Biyernes, 24 Abril, …

Read More »