Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru at Bianca binubuyo ng netizens na magpakasal na

MATABIL
ni John Fontanilla

HINUHULAAN ng mga netizens na matapos  magpakasal ni Rere Madrid, si Ruru naman ang susunod sa girlfriend nitong si Bianca Umali.

Sa edad na 28 ay  puwedeng-puwede nang mag-asawa si Ruru lalo’t nasa marrying age na rin si Bianca, 26.

Nang mag-post nga si Ruru ng larawan sa kanyang Instagram na magkasama sila ni Bianca ay maraming netizens ang nag-message na magpakasal na rin sila ng aktres.